Masama kang Kristiyano
Reading edition
—¿Bakit?
—¡Mangyari ay umáasa ka sa panghíhirám ng̃ bagong aklát! Mabuti kang tao, pagka't nabasa mo na halos lahát ng̃ nobela sa kahíhirám, ng̃uni't masama kang kristiyano, pagka't pinápatáy mo ang mg̃a kumatha at nagpalimbág at ayaw kang bumilí ng̃ iyó, gayóng pinagkagastahán nilá. ¿Saán mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo?
—¡Kung ayaw kang magpahirám ay huwág! ¡Kay dami mong rekubeko! ¡Pag ikáw namán ang nanghirám sa akin, ay tatawagin kitá ng̃ TUSO, pagka't para mo ríng tinuso ang kuwartang ibinilí ko, na nabasa mo ang aking binayaran ng̃ di ka nagkagastá!...
Ganyán ang taltalan ng̃ dalawáng magkaibigan, kaya't ikáw na bumábasa, upang huwág tawaging TUSO ó MASAMANG KRISTIYANO, ay bumilí ká ng̃ mg̃a kasaysayang: "¡Halina sa Lañgit!" ni Gat-Dusa: "¡SAWÍNG PAGASA!" ni Bb. Francisca Laurel; "¡Duwag!" ni Gerardo Chanco: "Larawan ñg Pagirog" ni Simplicio Flores: "Sa Tabi ñg Bañgin" ni José María Rivera; "¡Imbing Kapalaran!" ni Angel de los Reyes; "Tadhana!" ni Democrita P. Antonio; "¡Walang Diyós!" ni Honorato de Lara: "¡Parusa ñg Diyós!" ni Angel de los Reyes; "Mga Anak-Bukid" ni Ros. Almario; "Pañgarap ñg Buhay" ni Simplicio Flores; "¡Enchang!" ni Honorato de Lara; at "¡Kristong Magdaraya!" ni Angel de los Reyes.