← Table of contents
Nasawing Pagasa

Kalulwá ñg Bayan

Reading edition

Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing ng̃ Ingglés; lalo na ang wikang Kastila, ang saló ng̃ Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang habol ng̃ Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at marunong magmahál sa mg̃a kalulwá ng̃ kaníkaniláng bayan, na alinsunod sa mg̃a pantás na sinásamba ng̃ marami, ang wika, ay siyáng kalulwá ng̃ bayan.

Ng̃uni't ... sa bibíg ng̃ ilang mg̃a Tagalog, ay hindi ganitó ang namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót ng̃ mg̃a kahang̃alán ang lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila at Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang mg̃a katha dito, ng̃uni't masdán mo ang aking mg̃a nobelang Ingglés at Kastila ay hindi na mabilang.

Iyán ang mg̃a kaaway ng̃ bayan; pagka't silá ang pumápatáy sa kalulwá nitó. Dahil sa kayabang̃ang masabing sila'y nakaiintindí ng̃ wikang dayo, ay ipinagpápalít na, ang kaniláng dang̃ál....

¡Mg̃a kamánunulát! ¡Kahabághabág ang ating katayuan! ¡Sa lahát ng̃ sandali'y nakaumang sa ating mg̃a ulo ang tabák ni Damokles; nanunuláy tayo sa pang̃anib na guhit ng̃ mg̃a batás; kalaban natin ang mg̃a dayuhan at sampu ng̃ kalahi, ay kalaban pa rín!...

MABUTI KANG TAO NGUNI'T

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings