← Table of contents
Nasawing Pagasa

Kayó nga ang humatol

Reading edition

Si Petra at si Petring ay magkapatíd. Minsáng nalálapít ang Paskó, ay binigyán silá ng̃ kaniláng amá ng̃ muntíng halagá upang magugol sa dakilang araw. Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi ng̃ isáng hikaw, at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw.

Dumatál ang araw ng̃ paskó, at gaya ng̃ karaniwan, ay nagdalawán ang dating mag-kákaulayaw. Sa dampa ng̃ magkapatíd ay mayroón díng mg̃a panauhin. At ¿anó ang naisalubong ni Petra? ¿Naipagparang̃alan bá ang kanyáng hikaw? ¡Hindi! Subali't si Petríng ay naipagmalakí niyá ang kanyáng mg̃a aklát at tang̃ing nakápagsabing "Mamiyang hapon na kayó umuwi at tayo ay magbasá nitóng masasaráp na kasaysayang bagong labás ..."

Kayóng bumabasa nitó, ay inyóng hatulan kung sino ang natumpák: ang hiyás na nagagamit ng̃ isáng tao lamang ó ang aklát na pakíkinabang̃an ng̃ marami ang lalong mahalagá, Kauntíng pagkukuro ang inyóng papaghariin. Tutupín ninyó ang inyóng mg̃a puso at siyáng magsasabing: mahalagáng pagaari ang mg̃a aklat kay sa hiyás na nawawala.

Sa tahanan ng̃ isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; ng̃uni't sa tahanan ng̃ isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y magipon kayó ng̃ mg̃a babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa mg̃a pantás.

SA KINAÚUKULAN

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings