← Table of contents
Dating Pilipinas

Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihing̃alô, Paglilibing at Pagluluksâ.

Reading edition

Ang dating ugali ng̃ mg̃a Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali ng̃ iba't ibang lahi at lupain.

PAGHIHING̃ALÔ:

Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hing̃alo ay nagdáraos ng̃ kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona ó katalona ó babaylana. Ang katolona ay siyang pinaka paré ó pinaka pastor na tagapang̃asiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin. At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo ng̃ inikid na bulaclác, nagsusuót ng̃ canyang mg̃a hiyás, nagdadalá ng̃ canyang mg̃a gamit na casangcapang lalagyán ng̃ alác at canin at sa harap ng̃ isang baboy na buháy at nang mg̃a pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalang̃in sa anito ó diwata na kanilang pinapang̃inoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi. Habang ginanagawa itó ng̃ katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog ng̃ isang campana saca humahawac ng̃ isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta ó dambana na casabay ng̃ canin, saging, alác, at iba pang pagcain. Kung matapos ang mg̃a pagdalang̃in ito at ang maging hula ay gagaling ang may-sakit, sila'y nang̃agsasaya't at nagkakainan, naglalasing̃an at tulo'y inaawit ang mg̃a pagca bantog ng̃ mg̃a kanunuan ng̃ may-sakit, na siyang mg̃a anito ó duratang canilang dinadalang̃inan; ng̃uni't kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw ng̃ katolona ang may-sakít sampu ng̃ mg̃a pinagcacasactan, at sinasabing ibig ng̃ mg̃a anito na ang may-sakít ay macasama nila at mácabilang. Sa ganito ay maginhawang namamatay, ang may-sakít, sanhi sa paniniwalang siya'y luluwalhati, sa cabilang buhay[20] at gayon din ang mg̃a cabahay na sa pananalig na ang may-sakít ay luluwalhati, hindi na nang̃agtataglay ng̃ samá ng̃ loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'y mapasa caginhawahan sa cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya, nagcacaina't nag-aawitan. Sa casayaha't pagcacainang ito, ang katolona ang cumacain ng̃ pinacamabuting lamán ng̃ baboy at ng̃ iba pang mg̃a hayin[21]. Datapwa't kun ang pagsasayang ito ay abutin ng̃ pagcalagot ng̃ hininga ng̃ may-sakít ay agad itinigil ang pagsasayá at ang nahahalili ay ang panaghuyan ng̃ mg̃a cabahay dahil sa pagcalisan sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawaláng sila ng̃ pagcacakitaán at di umano'y bumabayad pa ng̃ ibang mg̃a tagapanaghoy.[22]

Pagkatapos na mataghuyan ay hinuhugasan[23] ang bangkay sa tugma ng̃ isang mapanglaw na tugtugin na sinusuob ng̃ mg̃a panuob na dagta ng̃ mg̃a kahoy na di makapagpapabulok[24] at ang mg̃a ito'y nangatutuklasan sa mg̃a bundukin dito sa Pilipinas, saka binibihisan ng̃ mg̃a pinakamainam na bihis, ayon sa kalagayan ng̃ namatay na tuloy sinapatan. Ang mg̃a may kapangyarihan ay pinapabang̃uhan[25] bukod pa sa sinusuob at ginágamot[26] ng̃ mg̃a gamot na di makapagpapabulok na pinakatatang̃i ang katás ng̃ aloe. Ginagamit din ang katás ng̃ ikmo na ibinubuhos sa bibig anopa't, mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito, ng̃ makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang násumpung̃ang di pa bulok ó tunaw.

Matapos mapanang̃isan at malapatan ng̃ gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan ng̃ mg̃a putól-putól na gintô sa bibig at sa mg̃a mata[27]. Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't, di masisimuyan ng̃ hang̃in ang loob, at ang tabas at anyô ay parang munting bangka.

Pagkatapos ng̃ lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang ano mang paghahatiran ó kung sakali ma'y ang mg̃a kasambahay lamang ang nagsisisama; ng̃uni't ani Colin, ay may mg̃a tagapanaghoy na nagsisipanang̃is.

PAGLILIBING

Tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa mg̃a taga Bisaya at iba ang sa mg̃a taga Hulo at Mindanaw.

Ang mg̃a Tagalog ay naglilibing ng̃ kanilang bangkay sa kanikanyang sariling bahay, na iniing̃atang malaon sa mg̃a kaban ang mg̃a buto[28] at iginagalang ang mg̃a bung̃o[29] na parang buhay at kaharap.

Ang mg̃a kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya ng̃ namatay: sa itaas ng̃ bahay na kasama ng̃ mg̃a hiyas[30] ó sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisiping̃an ng̃ isang baul na punô ng̃ mg̃a pinakamaiging damit ng̃ namatay at tuloy hinahainan ng̃ sarisaring pagkain sa oras oras. Ang mg̃a lalaki ay sinisiping̃an ng̃ kanilang mg̃a kasakbatan at ang mg̃a babae ay ng̃ kanilang kasangkapang pangawa.

Kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba pang nang̃atitira, ng̃uni't ani Delgado ay dahil sa nilalapitan ng̃ asuwang ó ng̃ ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa umaling̃asaw at di tuloy maing̃atan.

Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang ng̃ isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay tibaw at sa bahay ng̃ namatayan idinaraos[31]. Sa pagdiriwan ng̃ kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan ng̃ bahay ng̃ isang pasóng tubig upang mapaghugasan, ng̃ isang banig na may abo upang mabakas ang mg̃a paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan ng̃ pinakapang̃ulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasing̃an na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagaling̃an ng̃ namatay, kung siya'y naging magaling na mang̃ang̃aso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.

Ang mg̃a taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa mg̃a yung̃ib[32] ng̃ mg̃a bundok at ang tabi ng̃ libing̃an ay hinahainan ng̃ mg̃a pagkain at sinisiping̃an ng̃ kaban ng̃ damit at kung lalaki ay sinisiping̃an ng̃ mg̃a kasakbatang ginagamit nila gaya ng̃ sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan ng̃ mg̃a kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan ng̃ aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang mg̃a kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan ng̃ mg̃a mangagaod at mg̃a alipin[33] na kanyang makakatulong at ang tawag dito ng̃ mg̃a taga Bisaya ay bálon na sa Tagalog ay baon; at kung babae naman ay mg̃a kagamitan ng̃ babae ang isinisiping gaya ng̃ mg̃a panghabi kayo at ibp.

Nagsisipaglibing din naman sa mg̃a batong burol[34] na malapit sa dagat at sa ibabaw ng̃ isang malapad na bato sa Katbalogan ani Delgado ay nakita niya ang maraming kabaong at mg̃a bung̃o at buto. Ang mg̃a gayong dako na pinaglilibing̃an ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastang̃anin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay balin ito'y dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan ng̃ kidlat ó iba pang kapahamakan kaya: kaya't sa mg̃a dakong libing̃an nila ay naglalagay ng̃ bantay ó tanod upang huag daanan ng̃ ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita ng̃ kahit ano sa gayo't gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.

Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan ng̃ alkampor na isinisilid sa pamamag-itan ng̃ isang panghihip na bungbóng na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw. Matapos ito ay inililibing ng̃ paupo[35] sa yung̃ib na kanilang ginagawa sa ilalim ng̃ lupa, saka hinahainan sa harap ng̃ isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at ng̃ iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos ng̃ kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.

PAGLULUKSÂ

Tungkol naman sa pagluluksa, ani Chirino, ay nagdadamit ng̃ itim ang mg̃a tagalog at hindi kumacain ng̃ carne't isda, kundi kaunting gulay lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyón ay sipa; ng̃uni't ani Delgado ay hindi kumacain ng̃ canin, hangang sa di macabihag (ng̃ kaaway marahil) at nagdadamit ng̃ yantók na inikid na umaabot hangang sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano pa't kung hindi makabihag ay nagluluwat ng̃ hangang isang taón na nang̃ang̃alirang at nang̃ang̃ayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa kaugaliang ito ay maglahi.

Ang mg̃a taga Bisaya kung nagluluksa ay nag-dadamit ng̃ puti, saka nag-aahit ng̃ buhok sa ulo at gayon din sa kilay na pinakatanda ng̃ kanilang pagdaramdam.

Pagka pang̃ulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan ng̃ malaon ó ilang araw ayon sa kalagayan ng̃ namatay, at sa boong panahong ito ay walang maririnig na pukpukan ó kaing̃ay man sa alin mang bahay. At ang mg̃a tao sa pangpang̃in ay naglalagay ng̃ pinagcacakilanlang tanda upang huag daanan ng̃ anomang sasakyán na ang lumabág sa ugaling itó ay nagdaranas ng̃ mabang̃is na parusa.

Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan ng̃ di kawasa sa kanilang mg̃a panaghoy at sa kanilang paghahandog ng̃ mg̃a hayin na lubhang ipinagsasayá.

Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa ng̃ malaon at hindi ipinag-aalis ng̃ luksa hangang di maigantí. Ang pagganting itó ay ginaganap sa mg̃a pumatay, sa mg̃a kaaway at sa mg̃a taga ibang bayang di kaibigan.

Ang luksa naman ng̃ mg̃a babae na pinang̃ang̃anláng moratales ay gaya rin ng̃ sa mg̃a lalaki; ng̃uni't hindi ng̃a lamang nangbibihag ó pumapatay man upang makakain ng̃ canin, kundi nagsisisakay sa isang balang̃ay (bangka) na nilululanan ng̃ saganang pagkain, saka nagsasama ng̃ anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa ang tumitikin at tatlo pang matatapang na lalaki na may naipakita ng̃ kagilasan. Ang mg̃a ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang mg̃a katapang̃an, ang kanilang mg̃a nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't nakikipag-lasing̃an doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang mg̃a balabal na puti at ang kanilang mg̃a suot na yantok sa bisig at ng̃alang̃ala saka kumakain ng̃ kanin at nagsusuot uli ng̃ mg̃a hiyas[36].

Decorative motif
Decorative motif

Ikalabing limang pangkat.

Notes in this chapter

Note 1 · Ito'y minasama ng̃ mg̃a paring manunulat ng̃uni't ani Rizal, ay matwid at si Cristo man anya, kaya naparito sa lupa ay upang magturo ng̃ isNote 2 · Hanggang dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ang ganitong hanap buhay ay pinakikinabangan saan saan man.Note 3 · Ang ugaling ito ay natutunghan pa natin sa mg̃a santong kasulatan na si Job ay isa sa nanganyaya ng̃ mg̃a taga panaghoy at gayon din sa KanNote 4 · Hindi kakaunting aklat ang ating kababasahan ng̃ ugaling ito na dating ginagawa ng̃ mg̃a taga Persia, taga-Ejipto at ipa ba.Note 5 · Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Note 6 · Ang pagsuob at pagpapabang̃o sa bangkay ay lubhang matandang kaugalian at hindi lamang ang mg̃a dating Romano at Griego ang nag-ugali nito,Note 7 · Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin ng̃ maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil kapaniwalaang ang kNote 8 · Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubung̃ing mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inNote 9 · Ang pag-iing̃at ng̃ mg̃a buto ó abo kaya na pinakaalala ay ugali ng̃ maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang lupain ó Note 10 · Ani Rizal ay makapupong magaling na igalang ang mg̃a bung̃o't butó ng̃ kanilang mg̃a magulang at kanunuan na siya nilang pinagkakautang̃an Note 11 · Ito'y naaayon sa ugali ng̃ mg̃a dating taga Hebreo, Persa at India, at gayon din sa dakong kanluran ng̃ Arabia noong panahon ni Job na ang Note 12 · Ang ugaling ito ay ugali rin ng̃ iba't ibang lahi na, magpiging ó mag anyaya pagkatapos ng̃ paglilibing; at dito sa Pilipinas ay pinagtakhaNote 13 · Ang pag-iing̃at ng̃ bangkay sa mg̃a yung̃ib at kung saan saan ay ugali ng̃ mg̃a taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkNote 14 · Ani Colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pang̃ulo sa Bohol na sinamahan ng̃ pitong pung alipin. Si P. Chirino ay may binangit din Note 15 · Ang paglalagay ng̃ bangkay sa matataás na lugal ó dako at gayon din ang pagbibitin sa mg̃a punong kahoy ay inugali ng̃ ilang lahi noong unaNote 16 · Itong ugaling maglibing ng̃ paupo ay dating kaugalian sa Hilagang América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog ng̃ Bretania.Note 17 · Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa dig
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings