← Table of contents
Dating Pilipinas

Note 32 — Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihing̃alô, Paglilibing at Pagluluksâ.

Reading edition

Ang pag-iing̃at ng̃ bangkay sa mg̃a yung̃ib at kung saan saan ay ugali ng̃ mg̃a taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip ng̃ ba (ó káluluwa) at ng̃ chu (ó pag-iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan ng̃ ka na espíritung nananahanán sa libing̃an at siyang sa tao ay "kumakaling̃a: nagpapanatili, nakapagpapalinis, nakapagpapa galing at nakapagpapasaya" at di umano'y isang espiritung laging kasamasama ng̃ tao, at sa ganito'y pinakaiing̃atan ang bangkay at ipinipili ng̃ mg̃a mapagtataguan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings