Note 27 — Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihing̃alô, Paglilibing at Pagluluksâ.
Reading edition
Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubung̃ing mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyán at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni Luciano sa kanyang mg̃a kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni Caronte na gaya rin ng̃ ginawa nina Hircano at Herodes sa libing̃an ni David.