Note 24 — Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihing̃alô, Paglilibing at Pagluluksâ.
Reading edition
Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang mg̃a taga Peru ay nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan ng̃ gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon.