← Table of contents
Buntong Hininga

PANGBUNG̃AD

Reading edition

PANGBUNG̃AD

Pasleo: Pagdamutan ang nakayang handog ng̃ kapatid sa kapatid:

Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya: may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa, may puri, may lahi't may bahay... datapwa, ang lalong marang̃ál sa ami'y: ang tula.

Ako'y hindi siláw sa ningning ng̃ ginto; di takót sa dunong; di gulát sa tayo; sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dung̃o, ng̃uni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko.

Pano, sa ang tula sa isáng panulat ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak... sa isáng makata ang tula'y: ¡lahát-lahát!...

Ayán si Pasleo: ayá't ang namana niyáng Diwa't Puso'y ipinababasa... Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá... Pedro Gatmaitan.

Maynila, Sept., 1915.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings