MGA PAPURI'T PARANG̃AL
Reading edition
SA KUMATHA NITO
Pagkatapos tunghayan...
Sa makatang
Pascual de León
Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bung̃ad, Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak, Ito'y halamanang mayaman sa lahat, Mayaman sa tamís, sa tuwa't pang̃arap.
Sa mg̃a talulot nito'y sumusung̃aw Ang diwa ng̃ isang apó ni Baltazar, At sa mg̃a dahong sariwa't makulay Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy.
Malungkot kung minsan, kung minsa'y masayá, Ng̃uni't kadalasa'y uhaw sa pag-asa; Sa hang̃ad ay labis, at labis sa kaya, Subali't sa tuwa'y ulilang-ulila.
Makatang Pasleo: Ang aking Bulaklak Ay narito't handog sa una mong aklát. BENIGNO R. RAMOS (Ben Ruben)
Bulakan, Bul., 1915.
Ramo de Laurel
Para el poeta vernacular
,
Pascual de Leon.
Para tu jóven frente de tagalo poeta, De poeta que entona sus versos de pasión, Ofrezco una corona de flores de violeta Y entónate mi lira su mágica canción.
Es tu canto armonioso inspiración de ondinas, Es tu verbo potente como el brillo del sol, Y tus musas son todas dalagas filipinas Que habitan en las ondas azules del pansol.
Tu lira multiforme con sus cuerdas de oro Tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro, Tiene dulces lamentos y suspiros de miel.
Tiene versos de rosa que disipan tristezas De las bellas morenas filipinas princesas Que te ofrecen sonrientes un ramo de laurel. Octavio C. Madrid.
Septiembre 18, 1915.
PANUOB...
Sa katotong makatang
Pascual de Leon.
Hayan ang makata. Haya't umaawit ng̃ mg̃a kundimang pang-lupa't pang-lang̃it, hawak ang kudyaping malambing ang tinig at pinangsasaliw sa ligaya't sakit. ¿Kung siya ay sino? Iyan ang makatang ang tula't tulain ay matalinghaga, mg̃a lungkot, dusa, daing, hirap, luha, Galit, sumpa't lambing ang puso at diwa. Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw ng̃ tubig sa wawa, sa sapa't batisang Balana'y sumimsim sa tamis na taglay. Hayan ang makata. Kayó ang magsabi Kundi siya'y dapat na Dang̃al at Puri at maging putong pa ng̃ Wikang sarili. HERMÓGENES T. REYES. (Sa Ilaw at Panitik)
Tundó, Set., 1915.
¡Bulalakaw...!
Sa Katotong
Pascual de Leon.
Sa harap ng̃ iyong magarang pagsikat ay pinaglaho mo ang aking liwanag. Araw kang nagbang̃on sa himlayang palad at kinasilawan ng̃ aking banaag. Sa lang̃it mo, ako ay balang̃áw lamang, sa ilaw mo, akó ang aninong tunay... Diwa mo sa aking diwa ay isilay at aawitin ko ang iyong pang̃alan. Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang umawit sa lihim ng̃ mg̃a hiwaga, ako'y kasama mong hahanap ng̃ pala. Sa iyong hantung̃ang lang̃it ng̃ pagasa ay doón nároon ang mg̃a sampaga... Pupulin mo't yao'y sa WIKA mong mana! CIRIO H. PAÑGANIBAN. (Sa Ilaw at Panitik)
Bukawe, Bul., 1915.