← Table of contents
Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

PASIMULA

Tomás de Iriarte translation

Sa isang bahay sa parang na di nalalayóng lubhâ sa Hamburgo, mariquit na ciudad nang Alemania, na nalalagay sa dalampasigan nang mayamang ilog na Albis, ay tungmatahan ang isang malaquing ancan nang mang̃a tauong magcacamaganac at magcacaibigan. Mahirap matalastas cung alin ang lalong minamahal nang ama at ina, na pinacaulo nang ancang yaon ó familia; cung ang caniyang mang̃a anac na lalaqui na si Nicolás at si Juan, ó ang mang̃a anac na babayi na si Teodora at si Luisa; ó ang caniyang mang̃a pamangquin na si Enrique at si Cárlos, ó si Ramon at si Basilio, mang̃a anac nang dalaua nilang caibigan. Ang dalauang ito,y, mang̃a binatà na, at ang iba,y, mang̃a batà na di parapara ang canilang edad. Ang lahat ay nacacaisaisang loob na parang magcacapatid; at ang lahat ay paraparang nagsisisunod nang maligaya sa ama at sa ina, at nagsusumicap nang pagaaral at nang pagpapacabuti nang asal, sa pamamaguitan nang ayos na turò, na sa pagpapaliuanag sa canilang pagiisip ay nalilimbag naman ang magandang ugali sa canilang mang̃a pusò. May oras silang iguinagaua, at may oras na ipinaglilibang; datapoua,t, ang caraniua,y, sila,y, nagsasamasama, at habang gungmagaua sila nang anoman, ay pinagsasalitaan sila nang canilang ama nang sarisaring Historia at mang̃a salitâ, na bucod sa nagbibigay calibang̃an sa canila, ay nacacaroon sila nang mabuting halimbaua nang cabanalan, nang puri at uastong caugalian.

Ang susunod na Historia Moral ni Robinson ay siyang nagamit nilang salitaan sa maraming hapon; at nang maunauà nang ama na totoong isinasaloob at iquinaliligaya nang mang̃a batà ang mang̃a di caraniuang bagay na nangyari doon sa sauing palad na binatà, at ang paquinabang sa salitang ito, ay minatapat na isulat at icalat, nang maguing libang̃an nang ibang mang̃a bata na macababasa ó macariring̃ig nang gayon ding caligayahan, at cung magcaminsa,y, gayon ding capaquinabang̃an.

—Ama co, ang uica ni Teodora nang isang hapong masayá nang tagarao. ¿Pagsasalitaan caya ninyo cami ng̃ayon, para nang dati, nang anomang Historia?

—Oo, anac co, ang sagot nang ama, datapoua,t, sayang na di natin macamtan ang caligayahan nitong matahimic na hapon. Tayo,y, pasa parang, na doo,y, ang pananariuà nang mang̃a halaman ay nagaanyaya sa atin.

—¡Oh, totoong mabuting bagay ang inyong naisipan! ang sigao nang lahat; ¡doo,y, paano caya ang ating calibang̃an!—At naglulucsuhan sa touâ ay nanaog nang bahay, at capagdating sa masayang parang ay pinasimulan ang ganitong salitaan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings