PAGHAHANDOG NANG TUMAGALOG
Tomás de Iriarte translation
SA MALOUALHATING ARCÁNGEL S. RAFAEL
Sa Pagbibigay Puri at Pagganting Loob Sa Caniya.

Pintacasi naming hayag ang alindog icatlong Principe sa Reino nang Dios; sa mang̃a demonio,y, caquilaquilabot, daig pa ang lalong marahas na culog. Sa carunung̃an ca,y talang maliuanag, sa capangyarihan ay sacdal nang taas, at sa caauaa,y, ualang itutumbas sa lahat nang tauo,y, pinalalaganap. Isa ca sa pitong laguing nagbabantay sa daquilang trono na cagalang galang niong Pang̃inoong pinang̃ing̃inigan nang lupa at lang̃it at boong quinapal. Haliguing matibay na hindi magahis niong mang̃a diuang sacdal nang lulupit, at mabisang lunas sa dalita,t, saquit nang sinomang tauong napatatangquilic. Iyong sinusugpa,t, hindi paguitauin ang capalaloan nang lilong Lucifer sampong tanang campon na mang̃a souail dinuduahagui mo,t, laguing sinusupil. Bunying catiuala nang Ualang capantay at sugo sa madla,t, malalaquing bagay, Icao ang ligaya,t, tang̃ing caaliuan nang nang̃alulugmoc sa capighatian. Daraquila ca ng̃a,t, di icatlo lamang nang hari sa lupa na may cahanganan, cundi nang sa lang̃it na Ualang capantay at di matapos magpacailan man. Yaong libolibong mang̃a Espíritus sa camahalan mo ay nagsisisunod, palibhasa icao siyang ihinulos catiuala niyong Amang mapagcupcop. At sa tumatang̃is na sangcatauohan habang na sa lupa,t, nang̃ing̃ibang bayan icao ang pang-ampat sa luhang nunucal na pinadadaloy nang capighatian. Icao ang sumama sa batang cay Tobias, sa madlang pang̃anib iyong iniligtas, gayon din sa iba na nang̃aglalacad, bagama,t, di namin napagtatalastas. Sa alin mang saquit nang nagdaralita sa banig nang dusa,y, lunas cang mabisa, lubhang mahalagang handog na biyaya nang Lang̃it sa tauong ibig matimauà. Mang̃a nagnanasà na tumangap naman niong matrimonio sacramentong mahal, sa inyong saclolo,y, dapat na magsacdal sa magandang palad nang houag masinsay. Mang̃a bagong casal naman ay gayon din, ay nararapat ca nilang pintuhoin, nang sila,y, maligtas, at houag masupil nang lilong demonio Asmodeong tacsil. Ang mang̃a magulang na ang mang̃a anac ay nang̃auaualay, dapat na tumauag sa camahalan mo, at nang mang̃aligtas sa madlang pang̃anib na tulad cay Tobías. Sa catagang uica,y, ang ibig magcamit nang tunay na toua,y, sa iyo,y, manalig, mahal na Arcángel, na halal nang Lang̃it, magtangol sa tauo sa bayan nang hapis. ¡Oh mapagcandili,t, maamong Arcángel! na taga pagampon sa madlang hilahil, alio sa pighati,t, paraluman mandin sa pacay nang nasang bayang Jerusalem. Jerusalem bagang caloualhatiang tinutung̃o namin habang nabubuhay, caming iyong lingcod doo,y, ipatnubay sa touid na landas nang houag masinsay. Linalacbay nami,y, malauac na mundo na punô nang silo nang lilong demonio, ¿ito,y, dili caya icababalino nang puso mong handang laguing sumaclolo? Diyan sa ligaya na hindi masaysay nang bait nang lalong capahampahaman at na sa piling ca niyong carurucan nang Dios na ualang hangang cataasan. Ipamaguitan mo aco,t, nang maligtas sa di magpatantang tucso ni Satanás, na nang̃ingimbulo,t, ibig mapahamac maramay sa caniya ang sangmaliuanag. Sa di nasayaran nang sa salang dung̃is na Virgeng binucalan nang gracia at diquit, ay idalang̃in mo caming humihibic sa guitnâ nang ualang ulat na pang̃anib. Yayamang sa caniyang mapalad na camay lahat nang biyayà ay pinararaan nang lumic-hâ nitong boong sangtinacpan, ani San Bernardong lingcod niyang hirang. Cami tulung̃an mo, daquilang Arcángel, na magpasalamat sa maginang Virgen sa di tumitila,t, auang sapinsapin bagama,t, cuhila,t, sucab na alipin. Joaquin Tuason.
Pasig, arao ni San Rafael Arcángel, icadalauang puo,t, siam nang Setiembre nang taong isang libo ualong daan pitong può at ualo.