BILI,T, TADHANA
Reading edition
SA PAGNONOVENAS CAY SAN AGUSTÍNG NA AMA NATIN.
Cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul-an at gauin itong Novenas, ayon sa pagcauili ó pagcasalat nang isa,t, isa; n~guni ang lalong tapat, ay cun mul-an sa icadalauang puong arao nang bouang Agosto, at nang masadha,t, matapos sa icamaycatlong ualo; arao n~ga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa Iglesia; at cun dili caya, ay sucat mul-an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang Abril; at nang matapos sa icalimang arao nang Mayo, arao n~ga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios.
Sa arao nang camumul-an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na arao, ay magpapacapilit magin~gat sa anomang pagcacasala nang marapat sa ating Pan~ginoong Dios ang caniyang hinihin~gi. Arao arao ay darasalin ang unang Panalan~gin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong Aba Guinoong María, puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama natin, at saca isa pang Ama namin at Aba Guinoong María, puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.
Saca naman isusunod na babasahin ang man~ga touang dalit na nasa cauacasan nito.
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI
SAN AGUSTÍNG AMA NATIN.
Cun macapagmula nang mag Ang tanda nang Santa Cruz at macapag Pan~ginoon cong Jesucristo, ay babasahin itong Panalan~ging masusunod at oolitin din sa arao arao.
id="PANALAGIN"
PANALAÑGIN SA ARAO ARAO.
Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo. At sapagca naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t, pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama. Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa María, at nang calahat-lahatang ángeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang Ama cong liniliyag na si san Agustín, at ang ampon niya,t, saclolo ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito. At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Santísima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong dalan~ginin. Caya n~ga yata idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang tauad sa acquing man~ga casalanan, man~ga arao at tulong na ipagpepenitencia co,t, ipagdurusa nang tapat sa man~ga calilohang co; at ang bucod co pang hinihin~gi dito sa pagnonovenas na ito; at ang idinaraing co pang isa sa iyo, Ama cong iguinagalang, ay ang yayang icao noong nabubuhay pa dini sa ibabao nang lupa, ay naguing tagapagtangol at tagapagsangalang sa pananampalataya, at ang caniya pang santa Iglesia, ay ipinagbilin at ipinagcatiuala sa iyo nang caniya ring Esposo na si Jesucristo, ay ipatuloy mo rin n~gayong na sa Lan~git ca na ang dati mong ampon, at pagpilitan mong hin~gin sa Pan~ginoong Dios na palataguin at palaguiin sa boong sangmundo ang totoong pananampalataya, ang magcasundong totoo ang lahat na man~ga haring cristiano, at ang matuto pa silang magutos at magpasunod sa sangcacristianohan nang dilang ipagpupuri,t, ipagdaran~gal sa Pan~ginoong Dios na nabubuhay at naghahari sa Lan~git magparating man saan. Siya naua.