← Table of contents
Maring (Dangal at Lakas)

¿BAKIT DI BASAHIN?

Reading edition

Kung ang mga nobelang tagalog na sinulat ni Aurelio Tolentino ay siyang kinasasaligan ng lalong maririkit na kasaysayan at buhay ng ating Lahi, ¿ay bakit di basahin at namnamin sa madaling panahon?

At wala ng napakamura, nguni’t napakamahalagang gaya ng mga nasabing aklat. Sa pamamagitan ng mga ilang sentimo lamang, ay kakamtan ninyo at lalasapin ang mga masasarap na bunga ng walang kapagurang pagpupuyat ng gumawa, at ng kaniyang mga matiyagang pakikibaka sa larangan ng mithing Kalayaan, at ng kaniyang mga matiising pagod dili-dili sa makasiam niyang pagkabilanggong laban sa mga Pamahalaang Kastila at Amerikano, dahil sa kaniyang pagtatanggol sa mga katwiran at karapatan ng bayan.

Narito ang mga nasabing aklat:

Kasulatang Ginto

HALAGA—40 SENTIMOS

May sampung maririkit na kabanata:

I—Sangdugo.

II—Bagong Araw.

III—Tatlong Bituin.

IV—Ang Haring Maliwat.

V—Malagablab na pag-ibig.

VI—Si nunong Sinukuan, ang kaniyang mga tikbalang at mga tianak.

VII—Labanan sa gubat.

VIII—Ang bangis ng panibugho.

IX—Kakilakilabot na lihim.

X—Katapusan.

Kahapon Ngayon at Bukas

HALAGA—30 SENTIMOS

May pitong mahalagang kabanata:

I—Talimhagang paalam.

II—Ang libingan ni Lakhang-Bayan.

III—Watawat ng Kalayaan.

IV—Ang mag-inang bihag.

V—Pangakong mahigpit.

VI—Maligayang kababalaghan.

VII—Natupad ang tipan.

BUHAY

HALAGA—50 SENTIMOS

May dalawang puo’t anim na kabanata.

I—Kung sino si Buhay.

II—Ang unang halik.

III—Si Dining at si Daluyong.

IV—Dalawang halimaw.

V—Handa sa labanan.

VI—Ang lihim.

VII—Sápilitan.

VIII—Lumala ang ligalig.

IX—Ang kapaslangan sa harap ng kabaitan.

X—Ang sulat ni Dining.

XI—Luha.

XII—Naglalamay na lahat.

XIII—Patayan.

XIV—Ang sundang na basa ng dugo.

XV—Si Manuel.

XVI—Ang sigaw ng kasalanan.

XVII—Simula ng litis.

XVIII—Tinubos ni Marcial si Buhay.

XIX—Tinubos ni Buhay si Marcial.

XX—Saksing pipi.

XXI—Ang talas ng hukuman.

XXII—Ang paglagpak ni Daluyong.

XXIII—Dakip.

XXIV—Ang kasinungalingan.

XXV—Ang katotohanan.

XXVI—Katapusan.

Ang Buhok ni Ester

Unang Bahagi HALAGA—40 SENTIMOS

May sampuong makasaysayang kabanata:

I—Kidlat sa loob ng isang bahay.

II—Bagyó sa loob ng isang puso.

III—Simula ng kapaslangan.

IV—Namitak ang pag-ibig.

V—Ang tabil ni Gloria.

VI—Dinaig ng munting pipit ang lawing hari ng bangis.

VII—Kahapon, Ngayon at Bukas.

VIII—Hapunan at talumpati.

IX—Abogadong palaka, Kupidong manok, Haring alipin, Ulupong na makabayan.

X—Dinagit ng lawin.

Ikalawang Bahagi HALAGA—40 SENTIMOS

I—Gumagalaw ang lupong.

II—Ang babaying lalaki.

III—Mabisang kamandag.

IV—Ang halik ng bangkay.

V—Lagaring ginto.

VI—Si Juana at ang kaniyang kalapati.

VII—Limang libong piso ang isang buhok.

VIII—Ang pagsisi ni Dimas.

IX—Ang himutok ni Ester.

X—Bagong Judit.

Ikatlong Bahagi HALAGA—40 SENTIMOS

May sampung makasaysayang kabanata.

I—Singsing na katumbas buháy.

II—Ang sugo ng katarungan ay pumulas sa liwayway.

III—Ang dalawang bangkay ng isang buháy.

IV—Hatol bitay.

V—Sa kuko ng kamatayan.

VI—Muling nabuhay.

VII—Sa harapan ng Hukuman.

VIII—Ang paglagpag ni Gerardo.

IX—Ang sigaw ng kasalanan.

X—Katapusan.

Ang mga may nais magkaroon ng mga nasabing aklat ay maaaring sumulat kay N. Hilario, 237 Mercado Yanco, Tabora Int., San Nicolas, Manila, K. P.

Kalakip sa loob ng sobre ang halagang kailangan, maging pilak, ó maging “giro-postal” man, at maaasahang tatanggapin nilá sa pagbabalik ng Correo.

Hindi malalaunan ay ipalilimbag din namin ang mga nobelang na nga banggit sa likuran at marami ang humihingi sa amin.

Illustration from Maring (Dangal at Lakas): Ulirang Buhay Tagalog
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings