Simulâ.
Reading edition
Gurò. ¿Anó ang tinátawag na wikà ó salitâ?
Nag-aaral. Tinátawag na wikà ó salitâ, ang kabuùan ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap at ang mg̃a paraán ng̃ pagsasalitâ sa bawà’t bayan ó bansá.
G. Kung gayón, ¿anó ang tinátawag na Wikàng Tagalog?
N. Tinátawag na Wikàng Tagalog[1] ang wikàng ginágamit ng̃ Katagalugan ó kayâ’y ng̃ mg̃a táong tubò sa gitnâ at ibabâ ng̃ Lusóng[2].
G. ¿Anó ang Balarilà (ó Gramática) ng̃ isáng wikà?
N. Balarilà (ó Gramática) ng̃ isáng wikà ay ang katípunan ng̃ mg̃a panuto (ó arte) hinggíl sa mahusay niyáng pagsasalitâ at ng̃ tumpák na pagsulat.
G. Kung gayón, ¿anó ang Balarilàng Tagalog?
N. Balarilàng Tagalog ay ang tumpák na pagsasalitâ at tugmâng pagsulat sa wikàng tagalog.
G. ¿Sa ilán nabábahagi ang Balarilà?
N. Sa apat: Pagkilala (ó Analogía), Paglalakip (ó Sintaxis), Pagbigkás (ó Prosodia) at Pagsulat (ó Ortografía).
G. ¿Anó ang tinátawag na Pagkilala (ó Analogía)?
N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò at nagpapakilala ng̃ káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap.
G. ¿Anó ang Paglalakip (ó Sintaxis)?
N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ.
G. ¿Anó namán ang Pagbigkás (ó Prosodia)?
N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a paraán hinggíl sa tuwíd na pagbigkás.
G. ¿At ang Pagsulat (ó Ortografía)?
N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ angkóp na paggamit sa mg̃a titik at ibá pang mg̃a tandâ na gamit sa pagsulat.