← Table of contents
Agawan ng Dangal

“KAMI NAMAN”

Reading edition

Bayang inaapi, ako’y nananalig

na ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,

taglay ang tinig mong malungkot na tinig.

At iya’y hindi ko matalos kung bakit

ikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃is

gayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.

Subali’t hintay ka; aking ibubuhay

ang isang alagad na dapat asahan.

Luming̃on ka roon, sa dakong Timugan

at mamamalas mong na nawawagayway

ang isang Bandilang kapitapitagan

ng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.

Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,

sagana sa dunong, sagana sa lakas

at hindi marunong matakot sa tawag

ng kanyang kalabang mayaman sa gilas,

pagka’t alam niya’t kanyang natatatap

na ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.

Isang Kapisanang ang bawa’t kasapi

ay may siglang taglay na kahilihili:

isang Kapisanang ang hakbang ay laging

tung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:

sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’y

itanggol ang api: matwid ay maghari.

Yao’y binubuu ng dukha’t mayaman

ng mangmang at paham, bata at may gulang,

sapagka’t ang kanyang isang patakaran

na salig sa loob noong Kapisanan,

ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,

wala ni mataas; pawang pantaypantay.

At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,

dakila sa lalong Samahang dakila,

maningning sa lalong maningning na tala;

at sapagka’t ito’y butihing diwata,

ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawa

namang gumigiliw at nagsisihang̃a.

Kay Francisco Dizon dapat kilalanin

ang pagkakatatag ng̃ napakagiting

na Samahang yaong may tang̃ing layunin:

siya ang pumukaw, siya ang gumising

sa nang̃atutulog na mga damdaming

na nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.

Angel de los Reyes: iyan ang pamagat

ng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;

Rosendo S. Cruz: isa ring masikap;

Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubat

ay hindi nagtamo ng magandang palad

kung kaya nangyaring yao’y itinatag.

Hindi ba’t ang taong likha ni Bathala

ay taglay sa kanyang pagsipot sa lupa

ang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?

Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluha

tayong naririto? Pang̃arap ng̃a yata

lamang ang umasa’t maghintay sa wala.

Hindi lamang yoon para sa lalaki

kung hindi laan din sa mga babai:

naron si Pascuala Pintor na may iwing

ng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;

naron si Conchita; at isa pang saksi,

si Anitang laging dinidilidili.

Nang̃agsapisapi ang mga binata,

ang kadalagaha’y humalo sa haka

na ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,

sapagka’t ang ating darakilang nasa’y

ibang̃on ang bayan nating lumuluha’t

humarap sa lalong malakas sa lupa.

Oo nga at tunay na dito’y nagkalat

ang mga Samaha’t Kapisanang tanyag

subali’t tulutang aking maisaad

na ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,

sa matuling agos ng luha ng palad,

ay ito ang siyang darampi, huhugas.

Ramon S. Torres Taga “Ilog-Beata”.

Tundo, Maynila, K. P.

Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “Kami Naman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.

G. Sofronio G. Calderon
G. Sofronio G. Calderon

G. Sofronio G. Calderon

Guro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”

(Tunghayan ang dahong ika 17)

Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isang siglo oscuro o isang daang taong madilim, ang “Kami Naman” ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....

Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang ating damdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....

Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:

“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”

Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boong sigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.

Bb. Fausta Cortes
Bb. Fausta Cortes

Bb. Fausta Cortes

Pang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”

(Tunghayan ang dahong ika 21)

Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.

Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag na Aklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon sa modang ang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a taga Aklatang Barusog ay nagtanggol naman sa kabilang panig.

Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings