III.
Reading edition
Bucod pa sa rito,i, cun caya gayon ang ipinag-uutos nang santa Iglesia sapagca,t, ito,i, utos din naman nang Dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa Iglesia, at mauala man ang listahan nang mang̃a librong baual na, at cahit di nagcaroon nang mang̃a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang mang̃a gayong librong masasama. At sa catunaya,i, magsabi ca sa aquin: ¿di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang Dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan? Ay ano ¿di caya baga lalong mabigat na casalanan ang cumain nang lasong icatatapus nang buhay nang atin caloloua, na icamamatay baga niya dahil sa pagcauala sa caniya nang pananampalataya? Diyata,i, pinatotohanan co sa iyo na ualang mabisang lasong icamamatay nang ating catauan na sucat mapara sa lasong taglay nang masasamang libro; lasong sacdal nang bisa sa icasisira nang pananampalataya,t, icamamatay tuloy nang ating caloloua; lason ng̃ang camatay-matay na capag nahahalata nating nasisilid sa ano mang casulatan ay catungculan nating pang̃ilagan, at cun dili,i, magcacamit tayo nang mabigat na casalanan cun ituloy nating basahin. Caya ng̃a ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang mang̃a librong limbag ma,t, sulat camay, gaya nang mang̃a cay Rizal, na ang itinututol nila,i, di pa ipinagbaual; sapagca,t, cun di pa tang̃ing ipinagbaual, ay baual na talaga, ayon sa mang̃a cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,i, capag naquiquitang may lason nang mang̃a erejía at mang̃a lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,i, utos nang Dios. Sucat na lamang na sabihin sa iyo nang Confesor ó nang ibang mabait na Sacerdote, cun nang iba pa mang tauo na nacacaalam, at cahit icao man ang macamasid na ang gayong libro,i, masama, at pagdaca,i, dapat mong bitiua,t, ibigay sa iyong Confesor cun sa iyong Amang Cura, at cun dili caya ipagatong mo sa apoy; sapagca,t, cun pabayaan mo muna sa bahay may pang̃anib na mabasa; at ang cusang lumalagay sa pang̃anib ay diyan siya mapapang̃anyaya, uica nang Dios Espíritu Santo. Caya ng̃a, cristianong bumabasa nito, ay houag cang paraya sa iyong sarili, na gaya nang ibang marami na ang acala,i, hindi totoong nacacapahamac ang pagbasa nang mang̃a masasamang libro; sapagca,t, hindi masama lamang, cundi casamasamaan ang quinasasapitan nang sumusuay sa mang̃a utos na ito. ¡Ay capatid co! Sinong macapagsasalaysay nang mang̃a casiraang nangyayari sa mang̃a caloloua dahil sa pagbasa nang mang̃a masasamang libro? Ang uica nang P. Doctor Sardá: «na ang isang masamang librong may taglay na mang̃a tacsil na udyoc, cun mang̃a mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang cahunghang̃an sa mahunghang na maestro, at lalong dapat capootan sa magdaraya,t, mapaghibong tauo. Ualang imic-imic, at di nang̃adaramdaman ay unti-unting binabagbag ang puso, inililigao ang lalong matalinong isip, sinisira ang lalong maayos na cabaitan, hinihila ang calooban sa mang̃a lisiyang asal, pinupucao ang mang̃a mahahalay na pita, pinapaniniig sa maruruming gaua at malibughaang casalanan». ¿Ano caya ang dahil na yaong binatang dating mabait at masunurin sa magulang ay ng̃ayo,i, naguíng mapagyabang at ualang cahihiyan? Cun ano,t, yaong dalagang dating masayang loob at mahinhing asal ay ng̃ayo,i, laguing namamanglao at caguitla-guitlang ugali? Cun sino ang nagnacao sa canila nang cabaitan, nang cahinhinan, nang casayahan nang loob, sampon nang casiglahan nang canilang catauan? ¡Ay sa aba co! Yaon palang tampalasang libro, yaong mahalay na auit, yaong carumal-dumal na palasintahan, yaong maruruming tula, na paraparang pinatutuloy sa bahay nang ualang pag-iing̃at na magulang! ¡Ay sa aba ninyo, mang̃a magulang! at cayo ng̃a ang hihing̃ang sulit nitong mang̃a casiraang iquinapapahamac nang di mabilang na mang̃a masasama na di ninyo pinalalayo sa inyong bahay at sa camay at mata nang inyong mang̃a anac! Sapagca,t, maniuala cayo,t, dili, ay uuliting cong sabihin ang sinabi co nang madalas: Ay nagcacasala nang daquilang casalanan ang sino mang cristiano, na baga ma,t, natatalastas niyang baual, ó dapat man lamang ipagbaual, ay bumabasa nang mang̃a tampalasang libro. At di lamang nagcacasala ang bumabasa nang mang̃a librong yaon, cundi pa naman ang nag-iing̃at, sapagca,t, utos nang santa Iglesia na ibigay sa mang̃a Puno, cun dili caya,i, sunuguin. At nagcacasala rin nang daquila ang magpahiram sa ibang ualang pahintulot sa pagbasa nang masasamang libro.