← Table of contents
¡Caiñgat Cayo!

I

Reading edition

Sa mañga masasamang libro,t, casulatan.

May lubos na pahintulot ang mañga Puno

Decorative motif
Decorative motif

Ang librong ito,i malilimus sa halagang isang cuarta ang isa; sa halagang sangsalapi ang sangdaan, at sa halagang apat na piso ang sanglibo, doon sa Asilo de Huérfanos sa Guadalupe, sa bayan nang san Pedro Macati, provincia nang Mainila.

Ang sulat na hing̃i ay ipadala sa P. Director cun sa Hermano Inspector nang Asilo, at bahala sila magpadala sa ituturong padadalhan sa Mainila.

Pequeña Imp. del Asilo del Huérfanos 1888.

Decorative motif
Decorative motif

Caiñgat ñga cayo sa mang̃a masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang mang̃a masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iing̃at at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. At ang utos na ito,i, mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,i, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. Caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong baual nang santa Iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.

Ang mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang mang̃a Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang mang̃a Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang mang̃a calolouang quinacaling̃a nila; at caya ng̃a catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang mang̃a utos tungcol dito.

Ang balang minamasama,t, ibinabaual nila,i, tinatandaan nama,t, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang mang̃a librong baual at masasama. Ng̃uni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na mang̃a masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matang̃ing maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tang̃ing ipagbaual ang mang̃a gayong libro,i, macasasamang lubha sa mang̃a caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang mang̃a nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlang̃an hangan macacayanan din lamang, ang gayong mang̃a calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang mang̃a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a libro, na, cun di pa tang̃ing ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tang̃i nang ipinagbaual.

Isusunod co ng̃ang sasaysayin dito ang mang̃a pang̃ulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings