← Table of contents
Panayam ng Tatlong Binata — Unang Hati

KASAGUTAN

Reading edition

Honrado ay mali ang iyong paratang na yaong hiling kong pagkita nang dan~gal sa iyo ay isang pagdaraya lamang ang gayo'y huwag mong isagunamgunan. Kung mabubuksan mo lamang yaring dibdib ang katutoha ana'y iyong malilirip kung tunay n~ga akong taksil sa pagibig na gaya nang iyong tadhana sa titik. Labis ang sa iyo'y aking paghihintay at ikaw ang sinta na inaasahan n~guni at si Ama ang may kaibigán na siyang pumilit na ako'y pakasal. Gayon ma'y sa paghihintay ko sa iyo isang taóng taning yaong hinin~gi ko at inaasahan yaong pagdating mo ganap na'y di ka pa dumarating dito. Halata nang lahat na lubhang matamlay ang aking pagsunod nang kami'y pakasal di lamang mangyaring si Ama'y masuway pagka't masasawi ako sa katwiran. Saka nabalitang dito ay darating General na n~galan ay di nalilining nasok sa loob kong ikaw na marahil kaya nang kasal na ako ay tumaning. Isang buwang huwag na pakialaman ako at dito rin sa torre tatahan at nang makita kong ikaw ang dumatal ang katauhan ko'y nanaw sa katawan. Nang dumalaw kami at nang lisanin ka luha'y di mapigil sa taglay kong dusa sampu nang lahat kong kaakbay na dama at sanhi sa iyong naulilang sinta. Honrado ay walang bahid pagsusukab yaring aking puso tungkol sa pagliyag at sa katunayan niyaring pan~gun~gusap sangla yaring buhay na n~gayo'y lilipas. At kung linoob man n~g giliw kong Ama na ako sa ibig niya magasawa di rin mangyayaring kanyang makasama ako at sa hukay ay mahihimbing na. Lalo ko pang tuwa kung magkakagayon at maiisban na ako nang linggatong sa hindi ko nasa'y yamang napalulong aking lilisanin naman ang panahon. Baga man at turing na ako'y nakasal ang kalinisan ko'y di nadurumihan sapagka't sa aking puso ay masukal ang pakikiisa sa di kasintahan. Kaya ang samo ko'y patawarin ako sa isa nang buhay magkikita tayo doo'y walang salang makikilala mo kung talagang ako ay taksil sa iyo. Mayari ang sulat ay ipinadala sa tapat na loob na kaniyang Dama nang sa kay Honradong laman ay mabasa ang sakit nang puso ay naululan pa. Saka n~g sa Damang saysayin ang bagay niyong sa Princesang laging paghihintay yaong si Honrado ay sinisi naman ang pagkalaon sa ibang kaharian. Tanang bagaybagay nang maibalita ay naghiwalay nang kapuwa may luha na tulad sa isang buhay ang nawala at bató nang dibdib ang hindi maawa. Nang dumating doon sa torre ang Dama usap ay sinabi doon sa Princesa ay lalong lumala ang sa pusong dusa at ang dalamhating di sukat makaya. Ito na ang mulang ipinagkaramdam nang pusong nalugmok sa kapighatian kaya't hiniling nang siya'y magkumpisal at sa kamataya'y humanda ang buhay. Kaya n~ga't ang tuwa ay biglang lumipas at sa kalumbayan sila'y nan~galagak Princesa'y humin~gi nang tawad sa lahat sa hanay nang madla, buhay ay nautas. Sabihin ang lumbay at man~ga pagtan~gis nang mahal na Hari sa Anak na ibig at sa puso niya ay lumiligalig ang pagaasawang parang ipinilit. Pagka't mula nang kanyang ipakasal siyang naging sanhing ipinagkaramdam kaya n~ga at siya'y kahit nakasal man ang naging asawa'y di nakaulayaw. At di ko nakitang dinalaw nang tuwa at sa kalumbaya'y nalugaming kusa kahima't tipirin ay nahahalata yaong kalungkutang di ko mapaghaka. Matinding damdamin naman nang asawa na nakasal sila ay di nagkasama saka biglangbiglang siya'y nan~gulila ito ang tunay na dalamhati niya. Pananaghoy nila muna'y aking lisan gaya nang kanilang ilibing ang bangkay kasama ang lahat nang kaginoohan ang tanang soldado ay gayon din naman. Ang Hari at saka ang bunying asawa na ikinamatay nang abang Princesa saka si Honrado't tanang kawal niya sa libing na yao'y kaalakbay sila. Hanggang sa dumating doon sa Simbahan at sa laang tumba'y ilagay ang bangkay ginawa ang madlang man~ga katungkulan na pananalan~gin sa man~ga namatay. Tanang kailan~gan ay nang maganap na ay ibinaba nang bangkay nang Princesa at binendisyonan niyong Haring Ama at nakipagkamay naman ang asawa. Gayon din ang lahat nang kaginoohan parapara sila na nakipagkamay tan~gi si Honradong bayaning General na siya n~ga lamang kahulihulihan. Kamay ni Honrado ay niyong igawad kamay nang Princesa'y iniabot agad at saka ang man~ga mata'y idinilat nagbuntong hinin~ga't gayari ang saad: Ikaw n~ga ang sintang tunay kong katipan na siya kong laong pinahintayhintay at saka kasal na nang dito'y dumatal ako sa hindi ko kinagigiliwan. N~guni at sa ating suyuang maganda tapat sa puso ko na di magiiba kaya n~ga n~gayon din ay magkumpisal ka at malilibing din na kasunod kita. Anopa't ang tana'y pawang nanggilalas na nan~gakakitang doon ay kaharap at sampo nang Hari ay nakatalastas na yaon ang siyang kasuyo nang anak. Matapos isulit ang ganoong bagay muling ipinikit ang mata nang bangkay si Honrado nama'y agad nagkumpisal at di rin nalao't nakitil ang buhay. Nang mailibing na yaong si Honrado umuwi noon din ang man~ga soldado sa kanikanilang pinagmulang Reyno at ibinalita ang nangyaring ito. Tatlong Emperador ay sa kagalitan nagpaembahada silang sabaysabay at pinaguusig ang nawalang buhay nang lubhang bayaning kanilang General. Sa takot nang Haring hindi hamakhamak ay sa Emperador na tatlo'y humarap mahinahon niyang inahin~ging tawad ang pagiibigang di niya talastas. Kung ang anak niya ay nagpahiwatig na may katipanan siyang iniibig di ko pipiliti't baka n~ga masapit ay ang gaya n~gayong buhay ay napatid. Ang tatlong Monarka ay dinin~gig naman ang sa Haring samo't man~ga karain~gan yaon din ang mulang ipinagkaramdam nang Hari at siya ay nakitlang buhay.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings