ELECTO
Reading edition
Walang katuwiran anak ay pilitin sa bagay na pakikipagisang giliw karampatan munang sila ay tanun~gin ang isa at isa'y nang walang sisihin. Katungkulan din n~ga na ipili nila nang lalong mabuti na maging asawa kailan~gan naman ang ipakilala yaong tutun~guhing hindi natataya. Lubha pa kung tunay nilang nalilirip na ang kasintahan ay ugaling pan~git sawayin at bigyang hatol na matuwid at in~gatang huwag daanin sa galit. Yaong malubay na pagpapaunawa at huwag ang man~ga salitang gahasa pagmura't tun~gayaw at man~ga pagsumpa na bagkus nakapaguulol nang sama. At kung ang anak pa ay walang pitagan sasagutsagutin ang isang magulang nang kasakitsakit na paglapastan~gan sa dapat suyuin nila at igalang. Bakit karaniwan nang man~ga inanak kapag nasansala sa adhikang linsad itinatakwil na nila ang paglin~gap sa utang na walang katapatang bayad.