← Table of contents
Panayam ng Tatlong Binata — Unang Hati

ELECTO

Reading edition

Kaya nararapat na pakain~gatan nang man~ga lalaki't maging babae man tungkol sa pagsinta'y kinakailan~gan na kung lalapit ma'y doon sa kabagay. Yaong lumiligaw na man~ga mahirap sa man~ga may dan~gal maging sa may pilak kapintasan lamang yaong hinahanap o ang matawanan nang makatatatap. Ang karaniwan nang gayon kung umibig ay di nagninilay ang mahulong isip ang di man~ga himlay at sa sintang labis karaniwang tubo'y nan~gagkakasakit. Sa hidwang tan~ging man~ga kaisipan niyong sumisinta sa hindi kabagay nagugugol lamang yaong kapagalan at nalulugso pa kung minsan ang buhay. Dapat pagaralang anomang gagawin kinakailan~gang pagbagaybagayin nang di ikahiya sa matang titin~gin at kahi't sino ma'y nang walang wikain. Pagka't karaniwan n~g sa Mundong lakad pag di gawa niya ay madla ang pintas kahi't lalong lihim ay inihahayag at nagmamapuri sa nakatatatap.

Wakas nang unang hati.

Patalastas
Patalastas
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings