← Table of contents
Alamat ng Ilang-Ilang

PAN~GARAP

Reading edition

(Sa laguing pinagalayan n~g m~ga katha ko.)

I Sa galaw n~g tubig; gayón din sa himig na pabalik-balik sa lalim, at batong pinag saglit-saglit, doo'y namamasid n~g abang pag-big ang kagandahan mo sa linaw n~g batis. II Ang itim mong buhok lugay na nag-sabog sa maputing batok, ay siyang anag-ag sa batisa't ilog sa dakong pag-lubog n~g araw sa laot kung makaliglig na sa boong Sinukod. III At sa pan~gan~garap n~g sariling hagap, aking námamalas ang iyong larawang sipian n~g DILAG. Ampunan n~g lahat na m~ga bulaklak na níyuyurakan sa m~ga paglakad. IV Sa palad na abâ kung guinugunitâ ang pagdaralitá ay namamalas kong ikaw ay may awàng iniáapulà sa agos n~g luhà n~g lunós kong buhay at pusong mahinà. V N~guni't ... ¡Pagkasawi! ... Ang abang ibinudhi'y hindi namalagui, Dagling binagabag, at ang pag mumuni'y kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami. VI Bigláng nasiwalat dini sa hinagap at ipinamalas Ang iyong larawang may hinampong in~gat na nagtutulak sa aba kong palad at sa lantang pusong napapawakawak.

Wakás.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings