Ang Tubó
Reading edition
Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balità yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badhâ niyaon, at n~g m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko narin~gig ó kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.
Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanyá; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihán kawangki n~g tinatawag nating NALILIPA.
Umano'y sa m~ga kadawagang iyaón nan~gun~gublí ang m~ga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ.
Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.
—Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?—ang pang-unang tanong.
—Ang dugo nito ang ating inumin—ang saad n~g pan~galawa—Kasabay nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyambâ.
—Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais—ang saló n~g pan~gatló.
—Magsalita ka—ang paklí n~g pang-apat.
—Aking hinahanap—anang matanda—ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw.
Sa tuwing hapon—ang dugtong—kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw.
—At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
—Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di matuklas—ang anas n~g isa sa kanyang kasama.
—Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagáy ay matitirá tayo sa isang kabiguan—ang paan~gíl na tugón.
—Narito—anang matandâ—ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit.
—Dito'y walang batisan...
—Hindi ko kailan~gan ang makikináng na daloy n~g batis, upang ipamawi n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas, pagka't sa kanya'y nánanamnam ko ang matamis at masaganang katás, sa m~ga oras na ang Sumakop sa tanán, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa kanyáng Pitóng Wikà, bago naglakbay sa kalowalhatian n~g Lan~git at tinalíkdán ang pagkatáo.
—Tila ito'y may nais magpalaganap dito n~g m~ga katâkatá niyaong m~ga mapagsampalataya n~g kung ano anong kadayaan.
—Ang táong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan—ang sabád n~g isá.
—May orasán ba kayong tagláy—ang malumanay na usisà ng matandàng inaaglahi.
—Ang orasán namin ay anyo n~g araw na lumiliglig sa boong Tinakpan.
—¿Anó na kayang bahagui ang ating kinalalagyán?
—Tayo'y nasa ikatatló na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katás n~g halamang iyong sinambit at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawâ-awa ang iyong sasapitin.
Pagkarin~gig n~g bihigkás na ito n~g nagtatapangtapan~gan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos n~g pananalan~gin ay nagtuluyan bumakli n~g m~ga halamanang naroon at pinan~gós na sinipsip ang katás.
Pagkakita nito n~g m~ga tulisan ay nan~gágsitulad sa matandâ at nakipan~gos naman; datapwa't ang kanilang nalan~gap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod n~g palo ang kagalanggalang na matandâ hangang sa nalugmok sa m~ga nagkabalibaling san~ga n~g halaman.
Sa gayóng kahabag habag na anyo'y nagturing:
—¡Oh m~ga kulang palad! Darating ang panahón na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; págka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating Mánanakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo ko ay sisibulan n~g ganyan ding halamán; subali't ang bawa't dito'y tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g katauhan, Pinaslang ninyo ang isáng nahilig sa pagninilay n~g mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawá'y siya ninyong laguing pakinaban~gan.
Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahón, ang pagkakataon ay naguing tagapamag-itan upáng ang apat na buhóng ay muling mápabalík sa kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunitâ nila an~g m~ga hulíng binikás n~g napan~ganyayang matandáng kanilang inumog, ay dumanas silá n~g isáng pagnanais na alamin kung tunay n~gâ ang kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nilá ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matatabâ at lubhang mayabong, at siláng lahát ay di nakapiguil n~g gayong bigkás:
¡Tumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilín.
At sabay na nan~gagsibaklí n~g naturang halaman at kanilang pinan~gós.
Isáng malinamnám at matamís na katás ang kanilang nálasap, at paulit-ulit na binigkás na-matamís ang tubo, na siyang kaipala'y sumapit sa ating kapanahunan at ang salitàng iyaon na niyaong una'y pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay supling, n~gayo'y biglâ na kung bigkasín at nakikilala sa pan~galang tubó.
Bilang pasasalamat ay isáng mataós na dalan~gin ang kaniláng pinailanláng sa kalawakan n~g hiwagà at isáng matamís na pag-aawit ang kanilang naulinig na ganitó ang badhâ:
"Ano kayâ yaong tinamâang malas na nan~gin~gibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla't humawi sa ulap na pinaglagusan n~g ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalák yaring abang pusong sinupil n~g hirap?" "Siya kayâ yaong maningning na Ilaw na pumapatnugot sa Sangkatauhan, panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman at sa may pighati'y pang-aliw na tunay Badhang taga-turo n~g iisang daan sa m~ga alagad na nan~galiligaw?" "Oh kulang na kulang yaring pan~gun~gusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo't nagniningning, anaki'y busilak sa ibabaw niyaong buntón buntóng ulap, ayó't bawa't anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso n~g lahat." "Siya yaong Pusong Kamahal mahalan na n~gayon ay ating kinaháhan~gâan Siya ang dinusta at pinakapaslang n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan, Siya ri't di iba ang kaguinhawahan at tunay na alíw n~g may kalumbayan."
Dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan n~g gayong kawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahan~gà pagka't dili iba kundi ang kaawâawang matandang kaniláng pinaslang na bigláng nawalâ sa kasukalan n~g gubat.
Ito n~gâ kayâ ang sanhing pinagbuhatan n~g halamang tubo? ...