HIMIG N~G PIGHATI[2]
Reading edition
HIMIG N~G PIGHATI[2]
Hinihiling sa aking kasayaha'y tulain.
Saan man ibaling yaring pag-iisip nákikita'y luhà at m~ga pasakit kahit sa sariling buhay na tahimik gayon din sa Bayang pinakaiibig ay walang lumual sa kudyaping tin~gig liban na sa lungkót at m~ga ligalig.
Sa Bayan ang malas kung aking itanaw ang nan~gakikita'y pawang kapan~glawan, magkabi-kabila'y ang pag-íirin~gan na inihahasik n~g buhíng makamkám at nan~gagnanais tanghali't igalang kahit na mahamak ang sariling Bayan.
Sa kabila noon ay bilang pamana na kanilang alay sa Bayan at Ina, ay ang pang-aapí at pag-alimura; ang gayó'y kung aking mapag ala-ala tinis n~g kudyapi ay n~gán~gapa-n~gapa at ayaw magbigáy n~g lugod at sayá.
At paghamak lamang, pagsumpa't pag-ayop daing n~g hinagpís ang itinitibók nalilimot tuloy ang ugaling bantog na mahinhi't wagás n~g lahing Tagalog, dahil sa iilang asal na sumalot n~g sariling yaman hindi man inimpók.
Ano kayá n~gayon ang aking gágawín sa iyong napitang ako'y paawitin guinaganáp ko man n~g boong pag-guiliw ay ang lumuluwal na tinis ay daing at hindi pumulas ang mithi mong hiling... kasayaha'y nanaw sa aking damdamin Pagtamanan mo na ang taghóy n~g puso kahít napípigtâ sa luhang tumulo, pagka't ang ligaya ay hindi makurong kusang magwawagui sa madlang siphayo, na nan~gin~gibabaw sa puring nag-laho, sa puring salantáng, lugami at hapo
Nakasunod kaya sa hin~gi mo't pita ang anák na busóng sabík sa ligaya? Hindi man nasiyahan sapagka't di kaya ang daliting n~gayon ang iyong ligaya ay lubos tangapin n~g boong pag sinta: "HIMIG NG PIGHATING" larawan ng dusa ...