Sa mañga dalagang babasa nito.
Reading edition
Cung capanahunan nang pamumucadcad nang balabalaqui na mang̃a bulaclac, sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad nang caligayahang lubhang aliualas. Di sucat masabi ang pagcacaling̃a nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa. Sapagca nğa,t, cayo ang nacacatulad nang aquing binanguit na mang̃a bulaclac, at capanahunan nang pamumucadcad nang sigla nang iyong catauang marilag. Sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag-ya na lamang ihandog ang caniyang lilong cabang̃isan. Ang masayang tinig nang mang̃a música ay iguinagauad sa inyo touina; sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya anopa,t, cauang̃is nang mang̃a sampaga. Alin mang ligaya anaqui ay culang cundi macasama ang cadalagahan, malungcot ang bahay, ualang cahusayan ito,i, hindi sucat ipag-alinglang̃an. Cayo ng̃a ang laguing hinahanap-hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag. At cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag-uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan. Bagama,t, marahil ang inadhica,i, ang bung̃a nang inyong pagcapang̃anyaya, cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t, malayong malayo uari sa gunita. At sa inyo naman aquing inihandog yaring duc-hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod. Sa oras na tila ibig mamanglao ang dibdib na gaui sa caligayahan: at nang sa pagbasa ay houag manamnam ang saclap na gauad nang capighatian. Bumabasang irog, houag ipagtaca ang lagda nang aquing mabagal na pluma sa gusot na hanay acalain mo nang sa salat ay ¿anong hahanapin baga? Inaasahang cong mayroon din naman na puputihin cang bung̃a,t, paquinabang, at houag manğamba sa catitisuran na macarurung̃is sa pusong dalisay. Sa may tauang uica na parang aglahi ang magandang aral parang itinahi at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi nang isang maayos na pag uugali. Cung baga,t, mabuti ang iyong matunghan Dios ang purihin at pasalamatan; ng̃uni,t, cung masama nama,i, cahabagan ang laqui nang aquing hindi carunung̃an.