← Table of contents
Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio

MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

Reading edition

O Pusong hindi man nalahirang libag nang sala ni Adang minana nang lahat, magsaganang bucal na di na-aampat pagdaloy nang aua sa balang dumulog na napaliling̃ap. Cutang sadyang tibay na nacababacod sa canino pa man palaring pacupcop, mariquit na jarding hindi mapapasoc nang lalong pang̃ahas, sucab na caauay at may budhing hayop. Oh daong ni Noé, na pinagpitagan nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao, tantong maliligtas sa capahamacan ang lumulang tauo, cahima,t, busabos na macasalanan. Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop ang napa-aauang malinis na loob, ipinang̃ang̃anib ang lubhang marupoc na catauang lupa na sa ati,i, laguing naquiquihamoc. Caya ang samo co, Pusong lubhang uagas; aco,t, ang babasa,i, tapunan nang ling̃ap, na houag itulot cami,i mapahamac habang nabubuhay sa balat nang lupang lipos nang bagabag. Mapagpalang Ina,i, iyong caling̃ain aco nang Puso mong lubhang mahabaguin; houag pabayaang quita ay purihin sa mundo, at saca doon sa cabilang buhay caaua-yin. Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang ng̃ayon sa dang̃al mo, buti,t, cariquitan, lubos na lumagui habang aco,i, buhay at hangang sapitin yaong bayang puspos nang caligayahan. JOAQUIN TUASON.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings