Sa Inang Filipinas.
Reading edition
Sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'y nag-alay n~g bun~ga n~g isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing dan~gal co sa buhay na quipquip. N~g upang sacaling man~giba mang bayan na hindi sarili,t, tungtun~gán co lamang, ¡Ina co'y! marinig mauica n~g ibang aco ay sa iyo marunong magmahal. Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit alay co sa iyo at pag-asa'y labis na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig. Yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, ¡oh! Ina cong bayan! bulaclac n~g isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay. Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis, itong alaala'y, papaui sa saquit sanhi rin sa iyo ¡oh! bayan cong ibig. Hanganang co ito,t, aquing ipapaling ang tan~gang cong pluma sa ibig lumining nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin yamang talastas n~g sa iyo ang dahil.