Pasimulá.
Reading edition
Manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay, sa isang uupan aco'y, nagulaylay at pinaguauari itong calagayan. Ualang ano ano'y, sumilang sa isip yaong paglilibang sa jarding mariquit caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy n~g han~ging malamig. At aquing tinun~go na cusang hinanap ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac pagdating co roo'y, pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas. N~guni at nalooy, nalagas na tunay nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam, napaui ang gandá, lumipas ang culay, caya,t, ang puso co ay muling nalumbay. At saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tan~gan nalungcot naman din, puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin at uari'y, pinucao ang aquing panimdim. Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam saca binalangcás sa isip ang bagay, niyaong co natanto,t, nabatid na tunay, ang lungcot na yao'y, dahil din sa bayan. Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat, pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas ay binubusabos Inang Filipinas. At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing naquita asal na mahalay guinaua n~g cura sa isang mag-inang ipinahamac niya. Ang nangyaring ito'y siyang isusulit at gauing liban~gan n~g tanang capatid JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip itauag sa gayong namasda,t, nabatid.