SA BABASA NITO
Reading edition
Salamat sa iyo, ó nánasang írog, cong halagahán mo itóng aquing pagod, ang tulâ ma,i, bucál nang bait na capós, paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc. Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp palibhasa,i, hilao at mura ang balát ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp masasarapán din ang babasang pantás. Di co hinihin~ging pacamahalín mo, tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó ay houag mo lamang baguhin ang verso. Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo bago mo hatulang catcatin at licô[12] pasuriin muna ang luasa,t, hulô[13] at maquiquilalang malinao at uastô. Ang may tandang letra alin mang talata dimo mauatasa,t, malalim na uicà ang mata,i, itin~gin sa dacong ibabâ[14] boong cahuluga,i, mapag uunauà. Hangán dito acó ó nánasang pantás,[15] sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad sa gayóng catamis uicang masasaráp ay sa cababago nang tula,i, umalat. (Sa cursiva o bastardilla)