← Table of contents
Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

Simula nang buhay

Reading edition

Taong isang daan ualungpu at apat mula nang manaog ang Poong Mesias, sa Reyno nang Francia ay noon tumangap si Clovis nang pagca Haring napatanyag. Nang panahong yao'y ang Reyno ng̃ Francia ay hindi cristiano at mang̃a gentil pa, si Clovis ang siyang nagbinyagang una't sa Dios ay siyang unang cumilala. Sa panahong yao'y ang Borgoña nama'y mang̃a cristianong tumangap nang aral, nang mang̃a Apostol ni Cristong hinirang na nagsilaganap sa sangsinucuban. Noon ay ang Hari namang sinusunod na namamahala ay si Agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong Infante na si Hispericos. Ang bunying Infante ay nagca-asaua nang isang Duquesa na si Aprodicia, dalauang babayeng naguing Anác nila na ang bunso'y ualang cauang̃is nang ganda. Mabunying Infante Estatira bilang ng̃alan nang canilang Anác na pang̃anay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgoña'y tang̃ing cagandahan. Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen. Sa araw at gabi ay di sumasala nang pananalang̃in sa Dios na Amá, at sa Ináng Virge't sa touing umaga'y pilit guinaganap yaong pagsisimba. Madalas ding siya ay nag-cocompisal at tuloy ring siya ay nakikinabang, lubos na caniyang pinag-iing̃atan ang pagca-babaeng loob nang maycapal. At bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'y di nag-cacaisa, ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na ay ang cagaling̃an niyong caluloua. Siya'y di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang maring̃al. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang mang̃a cagayacan. Caya ng̃a at naguing casabihan siya sa ugali't kilos tang̃i pa sa ganda, anopa't marami ang naliligaya bakit ng̃a sa duc-ha ay malimusin pa. Doon na Borgoña'y isang araw naman nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan. caya ng̃a ang Hari at caguinoohan ay dumalo't sampong taong caramihan. Para-para silang nakinig nang Misa sampon nang Infanteng Hispericos bagá doon sa Simbaha'y napipisan sila at nananalang̃in sa Dios na Amá. Ginagamit nila ang boong pag-galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa Dios na Haring macapangyarihan. Isa ang Infante na si Hispericos na capatid niyong Haring Agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalang̃in sa may lic-hang Dios. Nagcataon namang sa loob ng̃ Templo'y si Hispericos at isang concejero, sila'y nag-uusap na nakita dito nang Hari, ay tantong galit ay sumubó. Caya't nang matapos ang mahal na Misa sa palaciong lahat nang̃agtuloy sila, tinanong nang Hari noon din pagdaca dalauang nag-usap niyong nagsisimba. Saad sa canila nang Haring marang̃al na sikip sa pusò yaong cagalitan, bakit at di bagá ninyo nalalaman na yaong Simbaha'y laang dalang̃inan. Tayo'y nang̃aglacbay doon at ang dahil sa Dios na Poon ay mananalang̃in, batid ninyong Dios ang caharap natin bakit pag-uusap ang inyong gagauin. Ipinalalagay ninyong ang caharap doo'y isang taong gaya nating hamac, at di pa hinintay na Misa'y nautas at cayo'y doon na sa labas nag-usap. Inaari ninyong ualang cabuluhan ang Dios na dapat sambahi't igalang, sa guinaua ninyong mang̃a catacsilan marapat sa inyo'y alisan ng̃ búhay. Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap nang di pamarisan yaong gauang linsad at ipinatapon ang bangcay sa dagat. Saca namang yaong hirang na asawa at ang isa niyang Anác na Infanta na bilang pang̃anay na si Estatira pinaalis silang dalauang mag Iná. Ayon sa canilang mang̃a caasalan na hilig ang puso sa toua at layaw kung caya ng̃a sila'y pinagtabuya'y di ayos cristiano ang canilang asal. Ng̃uni't si Clotindeng bunsong iniirog na hipag nang Hari na si Agabundos, doon sa palacio'y nanatiling lubos sapagca't may bait at galang sa Dios. Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin sa, Dios, at uili sa pananalang̃in, caya ng̃a namahal sa Haring amain yaong si Clotindeng may bait na angkin. Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia ay hindi cristiano at mang̃a gentil pa, at ang Hari doon na kinikilala na namamahala ay si Clovis bagá. Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim na yaong Reyno nang Borgoña'y bacahin, caya ng̃a't caniyang inutusang tambing tanang embajador nang ganitong bilin. Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno at ipatalastas ang cahiling̃ang co, sa Haring lisanin ang pagca-cristiano at sila'y sumamba sa mang̃a Idolo. O, cung dili caya siya'y magbibigay ng̃ buis sa baua't isang taóng araw, na ayon sa aking maguing cahing̃ian at siya'y sacop co ang catotohanan. Sa cahiling̃an co'y cung susuay siya babahá nang dugò ang Reynong Borgoña, at mang̃a pupucsa silang para-para sa aking dadalhing malaking armada. Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay sa Borgoña yaong mang̃a inutusan, nang dumating doo'y sinabi ang pacay sa mahal na Haring macapangyarihan. Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat na bilin sa inyo nang Haring nag-atas, ay sabihin ninyong di co matutupad ang ualang halagang mang̃a pang̃ung̃usap. Diyata't Dios cong tunay ang lisanin at yaong Idolo ang aking sambahin, sa cahilingan niya'y ang aking patalim siyang mananagot sa balang ibiguin. Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic yaong embajador nang Haring si Clovis, ala-ála nila ay baca magalit Haring Agabundos cung muling magsulit. Ay hindi mangyaring panoorin nila yaong cagandahan nang bunying Infanta, pagca't sila'y hindi nacakikita pa gayong cagandahang naca-liligaya. Na di iba't yaong Infanta Clotilde na ang ganda't hinhin ay cauili-uili, ualang capintasang sucat pang masabi ang hirang na dilag sa pagca-babae. Caya ng̃a't sa pagcatahang tatlong araw sa palacio niyong embajadang tanan, ay hindi mangyari nilang pagsauaan ang sa cay Clotildeng tang̃ing carikitan. Yaong tatlong araw ay nang maganap na sa Hari ay nang̃ag-paalam na sila, at nang̃agsibalic sa Reyno nang Francia at sa Haring Clovis humarap pagdaca. At ipinagsabi yaong casagutan niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay, at nang matapos nang canilang isaysay ang lahat, sa Hari ay sinabi naman. Na sa palacio ay nang̃atahan silang hustong tatlong araw, caya ng̃a't nakita, ang dalagang ualang catulad nang ganda at ualang pangdamdam ang di maligaya. Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan anhin mo'y guinaua nang balitang camay, mata'y cung ititig at iyong pagmasdan ay bató nang pusò ang di matiguilan. Lalo cung ng̃umiti't siya ay mang̃usap ay isa nang toua nang magcacapalad, at cung sa pintuan siya'y lumalabas anhin mo'y ang talang bagong sumisicat. Caya caming lahat ay natitiguilan sa hindi maisip naming carikitan, sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man doon ay uala nang maca-áagapay. Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y totoong malinis na di gaya dito, ang mang̃a babae ay di nabubuyo tungcol sa lalaking makihalobilo. Sapagca't ang anyo nang mang̃a binyagan ay iba sa ating mang̃a inaasal, ang mang̃a babae ay iniing̃atan ang puri't salamin ang siyang cabagay. Yaong camahalan nang canilang ayos maguing pang̃ung̃usap at sa mang̃a kilos, anopa't cung ating mang̃a-papanood bulaan ang hindi maganyac ang loob. Ang mang̃a balitang yao'y nang mabatid nabihag ang pusò nang Haring si Clovis, doon cay Clotildeng balita nang dikit namahay sa pusò ang laking pag-ibig. Di na natahimic yaong calooban at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay, dahil cay Clotildeng baca di macamtan sa pagca at siya ay hindi binyagan. Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis nang mang̃a balita na embajadores, parang namamalas sa caniyang titig yaong cay Clotildeng cagandahang labis. Uupo't titindig noo'y tututupin saca magbubuntung hining̃ang malalim, hindi mapaghulo anhin mang isipin ang lalong mabuting paraang gagauin. Sa bagay na yao'y cusang namalagui siya, sa lubos na pagdadalamhati, ualang matutuhang lunas na ipaui sa gayong pagsintang ikinalugami. Caya't napilitang sumanguni siya sa paham na Conde Aurellano baga, pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na cung caya ng̃a yaon ang siyang pinita. Aniya'y Conde Aurellano'y icaw ang siya cong lubos na inaásahan, na siyang sa akin ay tutulong bilang sa matinding dusang aking pinapasan. Dahil sa balitang Infanta Clotilde na taga Borgoñang hirang na babae, ay siya cong nasang maca-isang casi caya isipin mong paraang mabuti. Ito ng̃a ang sanhing di co icaidlip sa araw at gabi di icatahimic, huag mong payagan di camtan nang dibdib yaong si Clotildeng pinaca-iibig. Sapagca't icaw ang totoong magaling umisip nang mang̃a paraang gagauin, caya ang lubos mong caya ay gugulin sa cahirapang cong di macayang bathin. Ano'y nang mading̃ig ang sinabing ito nang bantog na Conde na si Aurellano, ibig na sauayin sa pagca at moro mahirap maibig nang isang cristiano, Ng̃uni't siya nama'y tantong nang̃ang̃anib na baca ang Hari ay magdalang galit, caya ang uinica'y iyong itahimic Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip. Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ ay lilining̃ing co ang paraang pauâ, anang Hari nama'y icaw ang bahala't tanang cailang̃an ay nang maihanda, Ang mahal na Conde ay napaalam na at siya'y omuui sa tahanan niya, inisip ang lalong paraang maganda na macaulayaw ang bunying Infanta. Sa gayong caniyang mang̃a pag-lilining nacatuclas niyong paraang gagauin, na icausap sa himalang ningning caya't sa palacio'y naglacbay noon din. Hari co aniyang macapangyarihan aco'y mayroon nang maguiguing dahilan, pagca't sa veinte cinco nitong buan nang Diciembre, Pascua nang mang̃a binyagan. May ugali yaong Infanta Clotilde na maglimos siya sa mang̃a pulubi, yaon ng̃a ang siyang panahong mabuti na ang ating nasa'y malapit mangyari. Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin cun ano ang ating cacailang̃anin, na nauucol mong doon ay taglayin sa Reynong Borgoñang iyong tutung̃uhin. Tugon niyong Conde na si Aurellano ay isang singsing po ang ipagaua mo, na guintong dalisay saca ang retrato mo'y siyang tampoc na ilagay dito. Gayong cailang̃an ay nang maisaad sa mahal na Haring agad na guinanap at iba pang mang̃a cailang̃ang dapat sa pagsasacdalan ng̃ sa Haring hirap. Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na tinung̃o nang Conde ang Reynong Borgonya pagca't malapit nang dumating ang Pascua niyong pang̃ang̃anac sa nacop sa sala. Di lubhang nalaon yaong paglalacbay ang Reynong Borgonya'y cusang niyapacan, at doon naghintay na may ilang araw nang sayang ugali nang cacristianuhan. Niyong sumapit na ang aveinti-cinco na capang̃anacan sa Divino Verbo, na inuugali nang mang̃a Cristiano na puspos ang sayá sa araw na ito. Sa gabing visperas nang nasabing Pascua na pinang̃ang̃anlang bagang Nochebuena, doon sa Simbaha'y gagauin Misa Infanta Clotilde'y pilit magsisimba. Ang pag Mamaytinez ay bago iraos sa mang̃a pulubi siya'y maglilimos, Conde Aurellano ay doon lumahoc sa mang̃a pulubi't siya'y nakiayos. Caya't nang dumating ang bunying Infanta na may dalang supot na pang limos, baga, nang casalucuyang namamahagui na nakihanay naman ang Conde pagdaca. At noong siya na ang linilimusan ay agad humalic sa Infantang camay, cay Clotilde namang nahalatang tunay na hindi pulubi siya't taong mahal. Nagualang kibo na't nang hindi mahayag Misa'y nang matapos ay ipinatauag, ang Conde, at niyong dumating sa harap malubay na galit ang ipinang̃usap, ¿Bakit ca gumaua (anya) nang ganito na pinang̃ahasang hagcan ang camay co, ang cadahilana'y ipatalastas mo sampon nang pang̃alan cun icaw ay sino. Ang tugon nang Conde ó Infantang mahal Aurellano po ang aking pang̃alan, sinugo nang Haring sa iyo'y ialay ang singsing na tanda nang sintang dalisa'y. Nang sa cay Clotildeng abutin nang titig may larauang sinsing nang Haring si Clovis, (aníya'y) paano ang aking pag-ibig siya'y di Cristiano't di co capanalig. Ang sa Condeng tugo'y huuag manimdim ca cung tungcol sa gauang pagsampalataya, tunay na hindi makikialam siya caya ng̃a hindi ca sucat na mang̃amba. Sandaling nag-isip sa gayong sinabi ang hiuagang gandang Infanta Clotilde, mahinahon niyang dinidilidili ang cahihinatnang huling pangyayari. Tang̃i dito'y di co magagaua naman ang aking sariling mang̃a calooban, aco'y may amaing dapat pagsabihan lalo't sa ganitong may halagang bagay. Tangapin mo na po ang sagot nang Conde ang sinsing na itong tanda nang pagcasi, at sa amain mo'y bahàla na caming na mag embahadang sa canya'y magsabi. Mabatid ang gayon nama'y tinangap na ang regalong sinsing nang Hari sa Francia, ang sa Condeng uica ay ng̃ayon (aniya) sa Francia ay Reynang kikilalanin ca. Sa sinabing yaon ay di umiimic ang bunying Infanta't parang di naring̃ig, at ualang halaga sa caniyang isip yaong carang̃alang bagay na binanguit. Tunay na ualanguala sa loob niya nasa'y cung sa Hari siya'y macasal na, ay maguing binyagan ang Reyno nang Francia't sa totoong Dios ay magsikilala. Magandang adhicang lubos na panimdim ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin, ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing ay napaalam nang toua ay sabihin. Nang siya'y dumating sa Reyno ng̃ Francia ang uica sa Hari icaw po'y magsayá, pagca't ang larawan mo po'y tinangap na nang pinaglacbay cong irog mong Infanta. Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis ang cay Aurellanong uica'y nang mading̃ig, at biglang napaui sa caniyang dibdib yaong calumbayang di icatahimic. Ipinatauag nang lahat ang guinoo sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno, dumating na lahat naman sa palacio yaong tanang piling mang̃a Caballero. Sa Haring cay Clovis nang maharap sila (aniya) ay cayo'y caya co pinita, gumayac ng̃ayon din cayong para-para at mag si paroon sa Reynong Borgonya. Ipamanhic niniyo sa cay Agabundos na Hari, nang boong pacumbabang loob, na marapatin nang caniyang itulot ang Francia't Borgonya'y magcaisang lubos. Ang lalong mabuting mang̃a pang̃ung̃usap sa cay Agabundos ang siyang isaad daanin sa mang̃a magandang hicayat upang mahinahong siya ay pumayag. Tanang cailang̃an ay iguinayac na at nang̃agsilacad noon din pagdaca, di lubhang nalaon ay dumating sila sa canilang tung̃ong Reyno nang Borgonya. Sila'y nagsipanhic sa palacio real at nagbigay niyong boong cagalang̃an Haring Agabundos ay gumanti naman tuloy pinaupo silang calahatan. Nang mang̃a licmo na'y saca inusisa niyong paglalacbay cun anong adhica, anang embajahada'y ang boong payapa sa camahalan mo ang ipinag sadyá? Ang utos sa amin nang Haring si Clovis sa iyong sanghaya'y aming ipamanhic, na marapatin na nang mahal mong dibdib Francia at Borgonya naua'y magcasanib. Maguing isang hiyas ng̃ Reyno ng̃ Francia Infanta Clotilde ang kilanling Reyna, sa Hari't saca sa tanang sacop niya ay isang dakilang turing na ligaya. Haring Agabundos ay niyong mabatyag ang sa embajadang mang̃a pang̃ung̃usap, (aniya'y) paano ang aking pagtangap si Clovis, ay gentil na aking talastas. Ang sagot nang piling mang̃a embajada icáw po ay huag na mag-ala-ala, cung tungcôl sa gauang pagsampalataya ay di mangyayaring sisirain niya. Saca tang̃i ditoy ang mang̃a ligalig nang Francia't Borgonya ay matatahimic, at mag-iisa nang damdamin ang dibdib at maiilagan ang pagcacaalit. Dirin hamac namang pang̃ang̃ahasan pa nang cahima't sino ang Francia't Bogonya, sa pagca at mapagtatalastas nila na iisang loob ang Reynong dalaua. Ani Agabundos ay mangyayari yaong hiling niniyo na ipinag sabi, saca di papayag yaong si Clotilde na sa di Cristiano'y makiisang casi. Nang sa tesorerong mading̃ig ang saad ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas, nang bunying Infanta't sa pagcacaharap nang Hari, at mang̃a consejong lahat. Cay Agabundos ng̃ang tunay na namasid sinsing na mayroong larauan ni Clovis, na sa cay Clotildeng ining̃atang tikis caya ng̃a at siya ay nag bagong isip. (Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy na ang pamangking co'y maycusang pag-ayon, aco ay uala nang masasabing tugon cundi ang sumama siya't siyang ucol. Ipinatauag din namang ualang liuag ang pamangkin niya't pagdating sa harap, ng̃ayon din (aniya) icaw ay gumayac paroon sa Francia't tuparin ang usap. Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta ay gumayac naman noon din pagdaca, lumuhod sa harap nang amain niya't huming̃ing bendicion at napaalam na. Cay Agabundos din na pinasamahan sa lahat nang Dama ang pamangking hirang, lumacad na sila na hindi naliban at ang Reynong Francia ang pinatung̃uhan. Nang dumating doo'y sinalubong sila niyong buong Reyno nang dakilang sayá, sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna na capayapaan nang Francia't Borgonya. Ang Haring si Clovis ay sumalubong din na caguinoohang madla ang capiling, caya't nang makita ang himalang ningning ang toua nang pusò ay ualang cahambing. Niyong dumating na sa palacio real ay saka ginanap ng̃ kinabukasan ang inuugali nilang pagcacasal na caacbay sampon ng̃ caguinoohan. Boong Reyno nama'y nag-aalay ng̃ saya tanda niyong ganap na paggalang nila, sa boong casulocsulucan nang Francia ay namimintuho sa canilang Reyna. Ang oras ng̃ gabi ano'y ng̃ dumating ng̃ mahihiga na Reyna'y nanalang̃in ng̃ casalucuyan ng̃ pananaimtim sa Dios, ang Hari lumapit sa siping. Saca ang uinica'y casing minamahal at pang̃inoong cong pinaglilingcuran, humiling nang iyong maibig na bagay at tunay na hindi kita masusuay. Ualang minimithi aco anang Reyna cundi ang icaw ay sumampalataya, sa iisang Dios na tatlong Persona na uala sinomang lalalo pang iba. Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan at siya ang Dios na ualang capantay, tang̃i sa tayo'y caniyang linalang sa salang minana'y siya ang humadlang. Tanang mang̃a Dioses na sinasamba mo iya'y pauang lic-ha lamang ng̃ Demonio. siyang dumadaya sa lahat ng̃ tao, upang macaramay nila sa Infierno. Sa dahilang sila ay pinarusahan ng̃ Dios, at ayon sa capalaloan, sa adhica nilang sa Dios mapantay ang napala'y hirap magpacailan man. Caya ng̃a sa iyo'y isinasamo co na lisan ang Dioses na sinasamba mo, at talicdan mo na iyang pagca moro at iyong harapin ang pagkikristiano. Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay sa lang̃it, ay buhay namang ualang hangan, ang nasa loob nang cay Cristong bacuran at sundin ang utos ay gloriang cacamtan. Ng̃un'i yaong mang̃a aayaw pabinyag dusa sa Infierno'y siyang malalang̃ap, at ang sa totoong Iglesia'y lumabas ay sa Infierno ri't lalang̃ap ng̃ hirap. Sa bagay na ito ay cung mabinyagan icaw, at gayon din ang lahat mong caual at sundin ang utos ng̃ Dios na mahal upan ding matamó ang payapang bayan. At ipatayo mo uling panibago ang mang̃a Simbahang ipinasira mo, at ihing̃ing tauad ang lahat nang ito sa iisang Dios na Personang tatlo. Isa pang samo co ay iyong sing̃ilin ang ari ng̃ aking Amang guiniguiliw sa cay Agabundos na aking amain na siyang humatol cay Amang patain. Ang di catuirang canyang guinaua lubos cong sa Dios ipinabahala, ang cay Clovis namang binigcas na uica ang unang hing̃i mo'y mabigat na lubha. Di ng̃a maaamin niyaring calooban na ang mang̃a Dioses ay aking talicdan at lubhang marami akong cautangan na caloob niyang mang̃a bagay bagay. Animo'y Dios mo ang aking sambahin at ang mang̃a Dioses ay aking limutin, ay iba nang bagay ang iyong hiling̃in at tunay na hindi kita susuayin. Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad ay cagaling̃an mo cung caya co hang̃ad, ng̃uni't cung sa iyo ay minamabigat tungculin co lamang na ipatalastas, Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha nang lahat nang bagay maguing lang̃it lupa siya'y tumigil na't di na nagsalita at ang usap nila'y napayapang cusa. At ng̃ maumaga Hari ay nag-utos sa embajadores na caniyang lingcod na sila'y humarap sa cay Agabundos at sabihin nila na ipagcaloob. Ang lupa ng̃ Reyna at ang mg̃a bayan na minana bilang sa Amang namatay at inyong hintayin yaong casagutan cung ibibigay niya ó caya hindi man. Mang̃a embajada pagdaca'y lumacad at cay Agabundos sila ay humarap, nang dumating doo'y ipinatalastas ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas. Niyong maunaua yaong cahiling̃an sa cay Agabundos namang ibinigay, ang ucol na mana nang pamangking hirang at ang pagtatalo'y upang mailagan. Tanang casulata'y nang maigauad na ay napaalam na yaong embajada, at sila ay agad nagbalic sa Francia't na Haring nag-utos ibinigay nila. Iguinauad naman nang Reynang butihin yaong casulatan caya't nang malining, ay napasalamat at ualang hilahil na ibinigay nang tunay na amain. Mang̃a pagsasama'y lubhang mahinusay at nagsusunuran silang malumanay, pang̃aco ni Clovis ay guinagampanang sa sampalataya'y di makikialam. Cay Clotilde namang laguing hinihiling sa Dios, cung siya ay nananalang̃in, na ang calooban ay paliuanaguin nang asaua't iuan yaong pagcahintil. Di lubhang nalaon niyong pagsasama ay isang lalaki yaong naguing bung̃a, Hari ma'y aáyaw na binyagan niya ay inamo rin ng̃a nang sabing maganda. Sa gayong caniyang mang̃a paghicayat ay napilitan ding Hari ay pumayag, bininyagan na ng̃a't ng̃alang itinauag ay si Rosalino sa bugtong na Anác. Ang toua nang Reyna ay di ano lamang at ang hiling niya'y cusang pinayagan, ng̃uni't nang dumating ang icatlong araw bata'y nagcasakit at nakitlang búhay. Caya ang uinica nang Haring si Clovis sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig, na huag binyagan at sa aking Dioses ay iyong ialay at doon manalig. Sangol ay di sana búhay ay nakitil at ualang pagsalang canyang aamponin, ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin ay di dinaramdam nang pusò't panimdim. Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat, na ipinagsama't cusang minarapat sa bayang payapa nang Santos at Santas. Yaong unang bung̃a nitong aking tiyan caya ng̃a hindi co ikinalulumbay, at tunay na aco'y di macasusuay sa balang caniyang maguing calooban. Malibang panahon ay muling nagbuntis ang Reyna Clotilde sa aua nang lang̃it, ng̃uni't lalaki rin yaong sa pag-ibig nila'y naguing bung̃a na aliw nang dibdib. Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan ng̃uni at sa Reynang pinakiusapan, caya't sa pagsamong lubhang malumanay nang Reyna sa Hari, ay umayon naman. Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad noon din ang bata'y bininyagang agad, at Sigesmundo ang ng̃alang itinauag nang Rey sa Clotildeng loob na banayad. Cun anong talaga niyong calang̃itan ay nang macaraang may ilan nang araw, na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan ualang ano-ano nama'y nagcaramdam. Na paulit-ulit at di mapagaling caya ng̃a't ang asa ay mamamatay rin, ang uica nang Hari sa Reynang butihin cundang̃an ayaw cang makinig sa akin. Uica co sa iyong huag mong binyagan at baca ito rin ang siyang caratnan, sapagca't ang gauang iya'y nalalaban sa Dioses, cung caya kita'y sinasanay, Pag-iya'y namatay na gaya nang una ay lubos na icaw ang siyang maysala dahil sa sabi cong ayaw makinig ca ang Dioses sa iyo'y galit nang talaga. Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing, ang Anác mong iya'y cung ibig patain ualang kisap matang búhay ay makitil. Cung ibiguin niya naman ang mabuhay mangyayari cung caniyang calooban, at tunay na siya ay may carapatan caya ng̃a dapat mong sampalatayanan. Icaw ng̃a sa caniya ay magmacaaua nang upang ang galit sa iyo'y mauala, nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa ang tanang biling co'y ganapin mong biglá. Ang butihing Reyna ay di umiimic ala-alang baca Hari ay magalit, caya ng̃a't sa Dios ay inahihibic na pagaling̃in na ang Anác na ibig. Upang yaong maling pagsampalataya nang Haring si Clovis na sintang asaua, ay di manatili nang mang̃a pagsamba sa mang̃a Idolo na ualang halaga. Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot sa Hari at baca ang Anác na irog, ay di guminhaua't búhay ay matapos caya di mapalagay ang caniyang loob. Yaon ang dahilang di icagupiling at laguing sa Dios ay idinadaing, na ipagcaloob nauang pagaling̃in ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw. Saca sa asaua'y isinamo naman na ipagpagaua siya nang Simbahan, na laang caniyang pananalang̃inan sa Dios na Amáng macapangyarihan. Cahiling̃ang yaon nang mahal na Reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'y nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pang̃aco niya. Hari palibhasa ang siyang may atas ang nang̃agsigaua'y daming dili hamac, caya't nayari rin namang ualang liuag ang Simbahang hiling nang Reynang marilag. Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining na magagaua nang doo'y manalang̃in, isang batóng marmol ay nagpacuha rin at ipinag-utos na pacalinisin. At doon sa guitna'y ipinaukit niya ang pang̃alan nang Vírgen Santa María, nang mayari nama'y ipinalagay na sa guinauang Altar na itinalaga. Cusang pinag-ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'y guinamit, doon nanalang̃ing taimtim sa dibdib sa ng̃alan nang Vírgen matá'y nacatitig. Nang pananagano nang mahal na Reyna sa Dios na Poon at Vírgen María. marami rin ng̃ang sa caniya'y gumaya na nagsidalang̃ing nanicluhod sila. Sa pananalang̃in nang naroong lahat may nading̃ig silang voces na nang̃usap, na labis nang tinig at lubhang malacas caya't silang tanan ay nacatalastas. Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay ang lahat nang iyong mang̃a caraing̃an, cung magcristiano na ang Franciang calac-han ay di malulubos cahit masira man. At may binyagan ding hindi titiualag cay Cristong bacura't hindi ng̃a ang lahat, at mananatili sa tunay na landas na cay Jesucristong dito'y itinatag. Cung tumalicod man sa pagcabinyagan ay ang natitira'y marami rin naman, at ang isip nila'y maliliuanagan niyong pagkilala sa catotohanan. Bagaman sa Reynang voces ay nalining ang pananalang̃in ay itinuloy rin, malumanay niyang pinacahihiling na ipagcaloob nauang pagaling̃in. Yaong caramdaman nang caniyang Anác at bigyan pa naman nang buhay at lacas, nang hindi magalit ang Haring marilag at sisihin siya niyong pagcabinyag. Caniya rin naman na iniluluhog sa di matingcalang darakilang Dios, na yaong asaua ay magbagong loob at cusang talicdan ang mang̃a Idolos. Moli't moli niyang ipinananaing sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen. dining̃ig din yaong caniyang dalang̃in ang sakít nang bata ay biglang gumaling. Lumacas at yaong cataua'y humusay na anaki parang nagdahilan lamang, Hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay. Caya ng̃a't ang toua niya'y hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas. Tunay at lubos din yaong pananalig sa caniyang mang̃a sinasambang Dioses, at di rin nanglumay yaong batóng dibdib doon sa malaking biyayang namasid. Patuloy ang dating camalian niya sa lihis na gauang pagsampalataya, nang nananahimic ay caracaraca ay dumating yaong sugong embajada. Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis ang canilang layon ay ipinagsulit, anila ay cami inutusang tikis niyong aming Haring sa tapang ay labis. Na namamahala sa Reynong Italia at dalauang bagay yaong hing̃i niya, ialay ng̃ayon din ang Cetro't Corona ó ang pasalual tayo't magbatalla. Caya magnilay ca't iyong pag-isipin ang capahamacang iyong sasapitin, cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim na casacunaa'y siyang tatamuhin. Ang sa Haring Clovis namang casagutan ang corona't cetro'y di maiaálay, at doon sa campo cayo ay maghintay at lalabas caming hindi maliliban. Napaalam na ng̃a yaong embajada anila'y maglucsa na ng̃ayon ang Francia, sa buhay na mang̃a mapapalamara na mang̃a-aamis sa pagbabatalla. Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot na canilang Haring nagbigay nang utos, anila'y hintayi't dito'y maglalagos at natatalagang sila'y makihamoc. Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca nang Haring si Clovis ang basallos niya, at niyong matipo'y ipinabilang na cay Aurellano na General baga. Cabilang̃ang lahat nang mang̃a soldado'y hustong isang daan at tatlumpong libo, ibig din matanto nila cung gaano yaong cabilang̃an nang calabang dayo. Ang guinaua nama'y nagpabihag siya nang isang soldado nang taga Italia, na nagsisilibot sa caharian nila at yaon ang siyang inusisa baga. Na ang cabilang̃an nila'y cung gaano na makikibaca na laang soldado, (aniya) ay caming nang̃aglacbay dito'y hustong cabilang̃an ay limangpung libo. Matapos sabihin ang ganoong bagay soldadong binihag nila'y pinaualan, at natanto nilang cacaunti lamang ang mang̃a cristiano na macacalaban. Inilacad nang̃a ang canilang tropa at sampon nang Haring Clovis ay casama, tinung̃o ang lual nang mang̃a cabaca at nang̃ag-ayos na ang isa at isa. Makita nang Hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong Cristiano ay cacaunti lamang caya't mananalo na inaasahan. Nagsagupa na ng̃a ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, mang̃a lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa. Pagcapalibhasa'y ang mang̃a cristiano ay nang̃ananalig sa totoong Dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya ng̃a't ang tapang ay lubos na lubos. At ang Hari nama'y nanalang̃ing cusa sa Dios at lubos na napacaling̃a, at buong-buo niyang ipinaubaya sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha. Hinihing̃i niyang bigyang calacasan ang caniyang campon sa pakikilaban, upang makilala ang Dios na tunay at ang pagca moro'y canilang talicdan. Sa di naglulubag na pagpapamooc nang dalauang hucbong cakilakilabot, ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog nang taga Franciang cay Clovis na sacop. At di macasahò nang pakikilaban at nang̃agagahis nang mang̃a binyagan, bagaman at sila'y totoong macapal ay lubhang marami naman ang napatay. Nang sila ay mang̃agcatiua-tiualag doon sa canilang mang̃a paglalamas, ay napilitan din na cusang tumacas ang Haring si Clovis sa malaking sindac. At tinung̃o niya yaong cagubatan at doon nagtago sa tacot na taglay, at doon na lamang niya tinatanaw ang caniyang campong nakikipaglaban. Saca sa malayo ay minalas niya ang caniyang campong nakikipag-baca. ay tunay na nang̃agsisipanglumay na at di na magauang makipaglaban pa. Totoong marami ang mang̃a napatay na pauang guinahis ng̃ mang̃a caauay, caya't caramihan ay binibitiuan ang mang̃a sandata at nagtatacbuhan. Nang makita ninya ang ganoong ayos ay tantong nasira ang caniyang loob, sa caniyang campong nagcasabogsabog at ualang magaua nang pakikihamoc. Dito na sinisi't cusang pinaglait ang caniyang mang̃a sinasambang Dioses, (aniya) ay sayang ng̃ aking malabis na suyo sa inyo't mang̃a pananalig. ¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan at hindi gamitin ng̃ayong cailang̃an ano't natitiis at binabayaan ang mang̃a campong co at hindi tulung̃an? Sa pakikibaca't upang di maamis tanang vasallos co na iyo ring cabig, saclolo mo'y ano at ikinacait ng̃ayong cailang̃an sa pakikicaliz. Bakit ng̃ayo'y parang di mo dinaramdam na nang̃alulupig nang mg̃a caauay, ang cabagsican mo naman ay nasaan at hindi gamitin sa ganitong araw. Sayang ng̃ lahat cong mang̃a paggugugol sa inyo't pagsambang mahabang panahon cung aco ay datnan pala ng̃ lingatong ay di ca mangyari namang macatulong. Nang casalucuyang siya'y nagagalit na pinagmumura yaong mang̃a Dioses, ualang ano ano ay siyang paglapit nang ilan sa caniyang mang̃a Generales. At ang uica'y Haring pang̃inoon namin cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin, ayon sa ganitong pagcasahol natin caya mahinahong icaw po'y malining. Isinagot naman nang Haring si Clovis na ang voces niya'y tantong nang̃ing̃inig, cun anong mabuting inyong iniisip sabihin ng̃ayon di't nang aking mabatid. Cay Aurellanong uica ay dahilan sa napagsasapit nang iyo pong caual, ualang calahati ang mang̃a binyaga'y cung bakit sila pa ang nagtatagumpay. Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas at capangyarihang magagauang dapat, ay di babayaan niyang mapahamac ang caniyang campon sa pakikilamas. Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya ng̃ Dios ng̃ mang̃a binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan. Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, ng̃ aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili. At tunay ng̃ang siyang Dios na totoo yaong sinasamba nang mg̃a Cristiano, siyang sa canila ay sumasaclolo caya ng̃a ang hiling ng̃ Reyna'y sundin mo. Siya ang lubos mong sampalatayanan ng̃ taos sa puso at siyang tauagan, at nang upang ating camtan ang tagumpay sa ang campon mo po'y bigyang catapang̃an. Matapos ang gayong mang̃a pang̃ung̃usap ang ulo nang Hari tambing itinaas, mang̃a vasallos niya ay cusang namalas na nagtatacbuha't ang tung̃o'y sa gubat. Ipinagtatapon ang mang̃a sandata at nag-uunahang mang̃agtago sila, sapagca't maraming nang̃apapatay na na nalulugami sa pakikibaca. Caya ng̃a ang luha niya ay dumaloy sa pagcapahamac nang caniyang campon, pinasisimulan na ang mang̃a pagtaghoy at pamimintuho sa Dios na Poon. Mataimtim niya na sinasamahan nang sampalatayang totoong matibay, na taos sa pusò niya't calooban gayari ang uicang mang̃a sinasaysay. ¡O Pang̃inoon co aniyang Jesucristo na Anác nang isang Dios na totoo, icaw ang sinasampalatayanan co at lubos ang aking pag-asa sa iyo. Icaw ang madalas sa aking iaral nang aking asauang tunay na binyagan, cung nang una kita'y tinanguihan man ng̃ayon ang Dios co'y uala cundi icaw. Lubos na lubos ng̃ang umaasa aco sa mahal mong aua't tunay na saclolo, yamang ang sinomang paampon sa iyo sa casacunaa'y itinatangol mo. Caya sumasamong lauitan mong habag acong lumulung̃oy sa mahal mong harap, yayamang sa mang̃a pang̃anib at sindac, capangyarihan mo'y siyang nagliligtas. Ling̃apin mo na po't iyong isangalang sa hucbong mabang̃is na aming caauay, taos sa pusò co na inaasahan ang mahal mong graciang aming macacamtan. Mabalino ca po't iyong timauain ang napipipilang calagayan namin, yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing. Pahayag nang aking asaua ay gayon caya ng̃a sa iyo'y humihing̃ing tulong, sa iligtas mo po't huag ding masahol sa mang̃a cabacang mahiguit sa leon. At ang cabagsican ay magsipang-lumay niyong mababang̃is na aming caauay, at tunay pong aco ay magbibinyagan sampon nang lahat cong nang̃asasacupan. Ualang salang sila'y patatangaping co nang tubig na mahal nang Santo Bautismo matibay na aking pang̃aco sa iyo caya po iligtas sa sacunang ito. Lahat ng̃ anito'y aking tatalicdan at ang mang̃a Dioses ay gayon din naman, at uaualin co na silang cabuluha't ang sasambahing co'y uala cundi icaw. Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo at mang̃a mezquita ng̃ tanang Idolo, sa buong cahariang nasasacupang co sampong Altar nila'y gagauing cong abó. Saca ang canilang lahat na larawan ipamumunglay cong ualang caliuagan, ualang ititira ni cahit isa man at magbabago na acong calooban. Matapos ang gayong mang̃a panalang̃in ang vasallo niya'y muling tinanaw rin, ay nakita niyang nang̃agsipagtiguil ang mang̃a cristiano't tapang ay nagmaliw. At uala mang utos yaong puno nila ay nang̃agsiurong silang parapara sa tayo ng̃ dating calagayan nila niyong pasimulan ang pagbabatalla. Makita ni Clovis yaong pagcabigla nang sa Dios bagang mang̃a pagcaaua lalo nang nalubos ang paniniuala sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha. Cusang nanaimtim na ng̃a sa puso niya yaong matibay na pagsampalataya, na tutupdin niya na ualang pagsala ang mang̃a pang̃aco na di mag-iiba. Tanang vasallos niya'y tinipong madali at sa caharian sila'y nagsioui marami mang búhay yaong nalugami ng̃uni't ang nanalo'y sila rin sa uri. Nang sila'y dumating sa Reyno ng̃ Francia ay agad sinabi sa sintang asaua, malabis ang toua nang mahal na Reyna sa himalang yaon ng̃ Dios na Amá. Lalo nang sabihing siya ay tatanggap nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag, caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag ng̃ isang Obispong cabanala'y ganap. Di lubhang nalao'y dumating sa Francia banal na Obispo na si Rami baga, niyong maharap na sa mahal na Reyna boong cagalacang nang̃agbati sila. Ang uica ng̃ Reyna sa Obispong mahal ang Hari po'y iyo ng̃ayong pang̃aralan, na ipakilala ang Dios na tunay sapagca't tatangap nang pagcabinyagan. Kinacailang̃an mo pong ipatalos ang mang̃a tadhana at utos nang Dios, at sa puso niya'y ikinintal na lubos yaong sa cristianong mang̃a sinusunod. Sa Obispo namang sinunod pagdaca tanang cahiling̃an nang mahal na Reyna at mahinahong pinang̃aralan niya ang mahal na Hari nang yamang maganda. Ipinatalastas yaong bagay-bagay na dapat asalin nang cristianong tunay, at ang isang Dios na ualang capantay na lumic-ha nitong boong santinacpan. At bagaman turing na tatlong Persona ay ang pagca Dios nila ay iisa, ualang huli't una naman sa canila at saca uala rin macapapantay pa. Siya ng̃a ang Hari nang lupa at lang̃it na sa carunung̃a'y ualang cahalilip, siya ring sumacop sa guinauang lihis ni Ada't ni Evang naraya ang isip. Uala ring gagauing maliuag na bagay sa caniya't yari balang maibigan, siyang nagbibigay nang caparusahan nang sa mang̃a utos niya'y sumusuay. At ang gumaganti naman ay siya rin nang lang̃it, sa mang̃a may gauang magaling sa caniya nama'y ualang nalilihim maguing gaua't uica't iniisip natin. Nang talos ng̃ lahat ng̃ Haring marang̃al ang bagay na dapat sampalatayanan, uica ng̃ Obispo'y iutos mo naman na magpatayo ca nang mang̃a Simbahan. Sa boong cahariang nang̃asasacop mo baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio na pagbibinyagang laan sa cristiano't siyang cailang̃an ang bagay na ito. Tuloy mo rin namang palagyan ng̃ Altar ang ipatatayong lahat nang Simbahan, doon sasambahin nang boong pag-galang ang Dios na Amang macapangyarihan. Palagyan mo namang larauan ang lahat nang cagalang-galang na Santa Trinidad, na sila ay tatlo sa pagca Personas at sa pagca Dios ay iisang ganap. Nang araw ring yao'y nagpatauag naman nang magsisigaua nang mang̃a Simbahan at nang dumating na uica'y pasimulan ang Simbaha'y gaui't aking cailang̃an. Cayo ay humanap ng̃ maraming tao sa dagling panahon ay yariin ninyo, at cung matapos na ang hiling cong ito sa lahat nang baya'y magtatayo cayo. Ang gagauin ninyo ay pacatibayin at lalong maganda na pacarikitin at saca ang Altar naman ay gayon din at doon ang lahat ay mananalang̃in. Cahi't bayang lalong na sa cabunducan ay tatayuan din nang mg̃a Simbahan, at tayong lahat ay mang̃agbibinyagan at ang pagca gentil ay ating iiuan. Sapagca't cung hindi sa totoong Dios aco, dumalang̃in nang buong pagluhog, nalipol marahil ang tanang soldados at ang ating Reyno ay naguing busabos. Gayong pagtauag co sa ating Dioses nang ang ating hucbo ay nasa pang̃anib, ang mang̃a cristiano'y lalong bumabang̃is at hindi maglubay nang pamimiyapis. Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan ay biglang humupa yaong catapang̃an, nang mang̃a cristiano't agad tiniguilan ang marahas nila na mang̃a pagpatay. Doong co natantong pauang sinung̃aling ang mang̃a Idolong sinasamba natin, caya mula ng̃ayo'y ating lilisani't Dios nang cristianong ating sasambahin. Tanang inutusa'y agad nagsilacad hiling na Simbahan ay guinauang agad, ang Haring si Clovis ay moling nag-atas noon din sa mang̃a campon niyang lahat. Na huag maliban at sunuguing pilit ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses, at tanang Idolo't tadhanang mahigpit magpahangang bundoc ay pugnauing tikis. Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang mang̃a Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop. Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan. Obispong S. Rami ang siyang buminyag sa mahal na Haring nagtamo nang palad, at si Clodoveo ng̃alang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap. At nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang Santa Iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang Dios na Amá. Isang calapating sa lang̃it nagmula na sacdal nang puti na catua-tua, na sa loob niyong Simbahan bumaba at isang redomo ang taglay sa tuca. Na punó nang lana, ó crisma ang tauag na pauang nakita nang naroong lahat, sa loob nang Templo, caya't natalastas ang himalang yaong canilang namalas. Siyang ipinahid nang bunying Obispo sa mahal na Hari na si Clodoveo, ang crismang sa lang̃it nagmulang totoo na padala niyong Amang masaclolo. Ano pa't nabantog sa boong caharian ang himalang yaon nang Dios na mahal, na kilala nila ang capangyarihan nang tunay na Dios na ualang capantay. Caya ng̃a't ang tanang guinoo sa Francia pinagcayariang sang-usapan nila, ang balang mag Hari na sinoman siya siyang gagamitin ang himalang crisma. Mula noo'y siyang naguing calacaran na sa maghahari gagamitin lamang, yaong ng̃a ang siyang pinagcaratihan mula pa sa unang nayaring usapan. Caya't magpang̃ayon ay naroron pa redomang sa lang̃it ay nangaling bagá, na kinalalagyan nang mahal na lana doon cay S. Raming Simbahang talaga. Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan yaong boong Reyno'y isinunod naman, ipinaunauang lubhang malumanay ang mang̃a biyaya, niyong calang̃itan. Doon sa pagtangap nang agua Bautismo na caugalian nang mang̃a cristiano, na ang pagbibinyag ang tandang totoo na nasa loob nang bacuran ni Cristo. Siyang pumapaui niyong casalanan na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan, at ipagtatamo niyong calang̃itan na cung baga banal na sila'y mamatay. Gayon din ang madlang utos na susundin at ang cababaang loob na gagauin, na nauucol ng̃ang dapat ugaliin at ang mang̃a kilos na sucat asalin. Dapat naman nilang paing̃at-ing̃atan ang ayos at bucang bibig na mahalay, at yaon ang siyang kinasusuklaman ng̃ Dios na ualang hangang carunung̃an. Cailang̃ang sundin ng̃ mang̃a cristiano ang aral na lagda ng̃ Poong si Cristo, nang panahong siya'y dirito sa Mundo na magagaling na capalarang nalo. Ang pagcacasala'y ating catacutan at di nating talos yaong camatayan, cung tayo ay datning na sa salang mortal hirap sa Infierno ang pilit cacamtan. Cung culang̃ing palad na doon mabulid ay ano pa caya ang mapagsasapit, gaano mang gauing sisi at pagtang̃is ay uala nang daang doo'y macaalis. Haring Clodoveo ay nang binyagan na at maguing cristiano yaong boong Francia, doon nila lubos na napagkilala ang mang̃a ugali't kilos na maganda. Doon din ng̃a naman nila nasunduan ang tunay na landas nang capayapaan, at sila ay tambing namang kinasihan ng̃ gracia nang Dios na Poong Maycapal. Sampong mang̃a bata'y guinising ang loob pagdaca sa gauang umibig sa Dios, cung matutuhan na'y saca isusunod yaong paghahanap buhay na maayos. Hindi nagnanasa sila niyong pilac na ang pagmumulan ay masamang hanap, at kinikilalang sa Dios sy labag ang ganoong gauang di carapatdapat. Di masayod yaong canilang catuaan sa pagsusunurang lubhang malumanay, at ang mapayapa nilang pamumuhay sa pagca-cristiano'y cusang nasumpung̃an. Nacaaakit pang lalo sa canila ay ang cahinhinan ng̃ mahal na Reyna, at ang cabaitan nilang nakikita ang siyang totoong nacaliligaya. Gayon din ang Hari na si Clodoveo na naguing uliran ng̃ lahat ng̃ tao, sa binilóg bilog nang canyang Reyno yaong cabutihang loob na totoo. Iisang caniyang palagay sa madla maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha, sa mang̃a may dang̃al maguing sa timaua ay uala isa mang turing na inaba. Sabihin ang toua nang lahat nang sacop sa cay Clodoveong magandang pasunod, caya ng̃a't ang Francia'y totoong na bantog niyong cabaitan umibig sa Dios. Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag-utos man sila'y malumanay sa lahat nang campong nang̃asasacupan. Mulang yaong Francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong mang̃a moro, at cusang natanyag ang pagca-guerrero lalo nang mag Hari ay si Carlomagno. At si Clodoveo'y nang tumanda na siya ang corona't cetro ay isinalin na, doon ng̃a sa Anác niyang sinisinta na bunying Príncipe Sigesmundo baga. Haring Sigesmundo'y namahala naman na lubhang maayos sa nasasacupan, at isa ring tang̃i na kinaguiliuan nang lahat nang caniyang pinaghaharian. Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y dalauang lalaking una'y Hilderico, at ang icalaua'y Principe Pepino na sila sa Francia'y bilang heredero. Haring Sigesmundo ay niyong mamatay si Hildericos ang humalili naman, na ang Haring ito ay totoong banal at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay. Caya hindi niya macaling̃ang lubos ang Reyno, at ualang laguing na sa loob cundi ang dalisay niyang paglilingcod sa di matingcalang darakilang Dios. At nang manatili sa bagay na ito ay pumasoc tuloy na mag Religioso, at cusang linisan ang bagay sa Mundo daang pa sa lang̃it ang siyang tinung̃o. Yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa Dios na tunay na may lic-ha nitong buong sangtinacpan. At alam ng̃a niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo, ang dang̃al at yama'y cahima't gaano lilisani't pauang catulad ay asó. Capagbinaui na ang búhay na hiram nang Dios na Amáng tunay na lumalang, ang cahima't sinong ualang cabanalan hirap sa Infierno ang cahahanganan. Lahat namang yaon palibhasa'y talos nang banal na Hari na si Hildericos, caya ng̃a't uinalang bahala sa loob yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc. Upang ang pusò niya ay huag malibang sa handog nang Mundong malicmatang layaw, ay cusang lumigpit at nang masunduan yaong ualang hanga na caligayahan. Matanto nang tanang mang̃a consejeros yaong guinaua nang Haring Hildericos, sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos. Pinagca-isahan nang mang̃a consejo na mag Hari yaong Príncipe Pepino, at ang casipaga'y ganap na totoo sa pamamahala nang tungcol sa Reyno. At sagana naman cung sa catapang̃an caya't siya nilang pinagcaisahan, nang magca-ayos na sa gayong usapan sa Papa'y inisip na magbigay alam. Caya't naghalal nang embajada't agad na pinaparoon sa Papa Zacarias, at ipinasabi cun alin ang dapat na maghari bagang sa Reyno'y maghauac. Na cung ang may tapang at cáyang sagana at may tang̃ing sipag sa pang̃ang̃asiua, nang Reyno, at ganap sa pagcacaling̃a at di nagtataglay nang pagpapabaya. Oh ang isang Haring na sa loob lamang yaong pagca-hari't ang nasasacupan, ay di caling̃ai't pinababayaan ayon sa pag-gaua niyong cabanalan. Lumacad noon din yaong embajada at agad humarap sa mahal na Papa, at sinabi yaong utos sa caniya na cung nararapat ang gagauin nila. Na ang Hari nila na si Hildericos sa pananalang̃in ay hilig ang loob, lagui nang ang puso lamang ay sa Dios ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos. Caya't ilinagay nang mang̃a consejo na Hari ay yaong Príncipe Pepino, at may sadyang tapang ang Príncipeng ito at masipag namang mag-ayos nang Reyno. Yamang capua rin heredero sila nang corona't cetro nang Reyno nang Francia, caya ang consejo'y pauang nagcaisang Príncipe Pepino'y siyang magcorona. Matanto nang Papa ang ganoong saad napaayon nama't cusang minarapat, ang mapag-alaga aniya't masicap sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac. At ang gumaganap nang pagca-justicia, at sa nasasacop ay macaling̃a pa, yaon ng̃a ang siyang tunay na maganda na mag-Hari't siyang lubos na may caya. Matanto ang gayong mang̃a casagutan nang Papa, ay agad namang napaalam, yaong embajada't nang siya'y dumatal sa Francia'y sinabi yaong casagutan. Pasiya nang Papa ay nang matalastas ang mang̃a consejo tua'y dili hamac, magmula na noo'y ang Haring natanyag Principe Pepino na may cayang ganap. At canilang lubos na napagunaua ang sa cay Salomong mang̃a sinalita, na ang isang Haring mapagpaubaya ay matatamarin ang sacop na madla. Mabuti ang isang Principeng masipag na sa caharia'y marunong luming̃ap, laguing naguiguising ang pusò nang lahat at cung cailang̃a'y madaling igayac. Pinahiran na ng̃a ng̃ mahal na crisma na galing sa lang̃it na nasa redoma nang bunying Obispong S. Esteban bagá't ang boong caharian naman ay nagsaya. At mula na noo'y pinagcayariang ang Hari sa Francia ay manamanahan at tungcol babaye ay huag payagan na siyang mag-hari cahima't caylan. Cahit sinong puno sa ibang lupain huag naman nilang papang̃inoonin, ang gayong usapa'y guinananap na tambing pasiya ng̃ lahat na siyang susundin. Ang Haring Pepino'y nag-asaua naman sa cay Reyna Berta na dugo ring mahal. Anác ng̃ dakila na si Herlin Cesar sa mang̃a romanong bilang caauaan. Haring si Pepino Anác ay dalaua na si Carlomagno ang pang̃anay niya, at ang icalaua'y Princesa Lamberta na sulang maningning ng̃ Amá at Iná. Niyong tumanda na ang Haring Pepino nahalili naman ay si Carlomagno, siya ng̃a ang naguing kilabot ng̃ turco at sa catapang̃a'y nabantog sa Mundo. Ang uica ni Turping Arzobispong banal na cay Carlomagnong laguing caalacbay, ang siyang sumulat niyong casaysayan ng̃ cay Carlomagnong laki't cataasan. Catauan ay timbang at ayos na ayos na cung pagmalasin ay nacalulugod ang laki at taas at bayaning kilos mamamangha cahit sino mang manood. Labintatlong dangcal lagay ng̃ taas at tatlong dangcal ang lapad ng̃ balicat at tatlo pang punto, at nacagugulat cung siya'y tuming̃ing may galit na hamac. At dalauang terciang lapad ng̃ balacang ang binti at brazo ay timbang na timbang, cung cumain nama'y macalaua lamang sa maghapo't siyang naguing cagauian. Di lubhang marami cung cumain siya nang tinapay, ng̃uni't sa ulam na tupa, icapat na bahaguing nacacain niya cung inahing manoc naman ay dalaua. Calacasan niya ay cagulat-gulat cung nasa cabayo ay nacabubuhat, niyong isang taong may sandatang sangcap isang camay lamang ay na itataas. Nang lampas sa ulo caya't sa batalla totoong maraming guinagahis siya, cung humatol nama'y nacaliligaya at di cumikiling sa isa at isa. Ualang inaapi na cahit sinoman lubhang maauai't malimusing tunay, cung siya'y mag-utos naman ay malubay at di nabubuyo sa di catuiran. At ang isip niya ay totoong pantas lalo na cung siya'y nakikipag-usap, at tunay na diniding̃ig niyang banayad nang upang hinahong caniyang matatap. Bago sumasagot ay pinaglilirip upang di masaui siya sa matuid, caya hindi hamac siyang nabubulid sa bang̃in nang cutya na icalalait. Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua doon sa Princesa na si Verenisa, Anác nang guinoong Orondatis bagá na isang dakilang taga Capadocia. At si Carlomagno'y nag-anác nang anim tatlo ang babaye't lalaki tatlo rin, ang mang̃a pang̃ala'y na inyong malining ay isa-isa co na sa salaysayin. Principe Pepino ng̃alan nang pang̃anay at Príncipe Luis icalaua bilang, na siyang nag-impoc niyong cabanalan caya't si S. Luis de Franciang natanghal. Infante Carloto ang icatlo bagá ang ica-apat ay Princesa María, icalima'y yaong Princesa Rolana at si Jenaponte ang bunsong Infanta. Pinaturuan din yaong mang̃a Anác nang pananandata't nang dunong na ganap, mahigpit na iniaaral na mag-ing̃at sa pag-oosioso't lubos na mang̃ilag. Cung siya ay ualang bagay na tungculin librong cabanala'y siyang babasahin, ó luluhod caya at mananalang̃in ang pagdedevocio'y siyang uunahin. Mahiguit ang caniyang pag-aala-ala sa nang̃agdurusang mang̃a caloloua, sa purgatorio't hinihiling niyang sila'y macaalis sa ganoong cusa. Kinucunan niyang halimbaua bilang ang cay S. Pablong lagdang casulatan, na sa Epistola'y doon sinasaysay ang ganitong uicang nang̃apapalaman. Balang araw aniya'y ang campon nang Dios cusang pupucauin ang canilang loob, na manaca-naca at upang iluhog ang sa purgatorio'y nagdurusang lubos. At gumagaua nang gauang cagaling̃an nang upang malayo sa tucsong caauay, na humihicayat sa capahamacan nang tayo'y mahulog sa canilang camay. Sa Reynong Akisgran at sa Alemania ay nagpatayo siya niyong tigalaua, na mang̃a Simbahan, at tigalaua pa ang ipinagauang mang̃a Beateria. Na pinacainam ang Simbahang ito niyong pagcayari sampon nang Convento, ipinagcaloob sa cay S. Benito niyong Emperador na si Carlomagno. At ipinatungcol yaong Beateria sa capurihan ng̃a nang dalauang Santa, ang isa ay sa cay Santa Catalina at saca cay Santa Potencianang isa. Hustong-hustong lahat yaong cagayacan may Altar at sarisaring casangcapan pauang mang̃a pilac at ang guintong lantay ang caliz at cupon at ang Bril naman. Bordado nang guinto ang sa Paring damit na ang pagca-ayos ay pinacarikit, anopa at cahit sino mang magmasid ay uala nang pintas na maisusulit. Ang Simhabang yaon nama'y inialay sa Vírgen Maríang mang̃a capurihan, baua't isa nama'y caniyang binigyan nang haciendang siyang gugugulin bilang. Nang si Carlomagno'y macatalastas na niyong carunung̃ang mang̃a iba't iba, macaitlo namang dumadalaw siya sa maghapon, doon sa Simbahang sadya. Cung Domingo't fiestang pang̃ilin ay lahat nang caniyang sacop ay pinatutupad, tuloy naglilimos sa nang̃asasalat nang sa cabuhayan nila'y nararapat. Lalong lalo nang̃a ang mang̃a Simbahan na duc-ha at ualang sucat na pagcunan, binibigyan niya nang malaking yaman at tungcol sa Dios ang ganoong bagay. Sa bayang Cristiano cahit hindi sacop ay caniyang pinadadalhan din nang limos, maguing sa caniyang tunay na vasallos ang saclolo niya ay di nalilimot. At sa taón-taó'y nagpapadala rin nang limos sa Reyno niyong Jerusalem, at sa iba't ibang Reyno ay gayon din taglay nang caniyang pagcama-auain. Sa nang̃a sasalat na ualang pagcunan ay namamahagui niyong cayamanan, sa tanghali't siya'y cung cacain naman binabasahan nang librong cabanalan. May lector na yaon ang sadyang tungculing siyang bumabasa capagcumacain, at ang adhica niya'y dapat na busuguin nang gracia, ang mang̃a caloloua natin. Cung binubusog man natin ang catauan nang mang̃a pagcaing sari-saring bagay, caloloua'y dapat na pacanin naman niyong masaganang gauang cabanalan. Kinauiuilihang basahing parati ay yaong librong Divicitate Dei, sinisira niya ang tulog sa gabi at sa pagcahimbing ay di nauiuili. At sa isang tao'y macalaua bilang ang virey niya na inuutusan, na magsisiyasa't sa nasasacupang provincia't Ciudades Villa't mang̃a bayan. Sa lahat nang puerto, ay inuusisa ang tungculin nila sa pag-aalaga, at cung ginagaua ang pang̃ang̃asiua nang pagca-justicia sa sacop na madla. Cundi gumagaua nang mang̃a pag-api sa hamac, ó maguing sauing malaki, ang pagpapalagay nila'y cung mabuti cung isa ang ting̃in sa guino't imbi. At yaong paghatol ay cung nababagay sa hustong matouid at di nasisinsay, sapagca't maraming iba ang palagay na canilang mang̃a pinagpupunuan. Cay Vayceto namang mang̃a pang̃ung̃usap aniya'y mararaming aliping pang̃ahas, sa pang̃inoon ng̃a't sa hindi pag-ganap niyong catuiran at nang̃alilinsad. Nang sa cay Aáron namang maunaua ang Hari sa Francia sa ganoong gaua, na si Carlomagno'y nalugod na cusa sa camahalan at bait na sagana. Isang Elefante nagpadala ito na mayhilang isa na carrong dorado, na ang lula'y bangcay ni S. Cipriano at ni Espiratus na isa rin Santo. Saca yaong ulo ni S. Pantaleon tanda nang pag-ibig niyang mahinahon, saca cay Carlomagno, mula nang manoynoy ang magandang gauang sa Dios ay ucol. Nang cay Carlomagnong regalo'y matangap malaki ang toua at pasasalamat, sampon nang nagdala'y lubos na lining̃ap at minahal niya nang sa puso'y tapat. Iguinalang nang̃a ang mang̃a catauan niyong mang̃a Santong sa Dios na hirang, at ipinalagay doon sa Simbahan at maraming taong nag-devocion naman. Si Carlomagno ng̃a'y mulang putung̃an siya niyong corona Imperial sa Roma, noo'y linooban naman ang Patriarca sa Jerusalem nang mang̃a turco baga. Totoong marami ang mang̃a cristiano na pinagpapatay niyong mang̃a turco, caya't sumanguni sa bagay na ito siya sa matandang mang̃a Caballero. Nang tungcol sa guerra ay naca-aalam niyong sari-saring bagay na paraan, iba sa canila'y cahit masira man ang dang̃al ay tacot na sila'y mapatay. Caya't ang uinica'y makipagyari na sa mang̃a turco at mang̃aco na sila, nang anomang bagay at nang di muli pa na sila'y patayi't yaon ang pang̃amba. Anopa't noon din ay sila'y nag-atas niyong embajadang makikipag-usap, tanang sasabihin ay nang maisaad yaong inutusan pagdaca'y lumacad. Sugong embajada ay nang ipamalay ang hiling na yaon ay ang casagutan, ang Ciudad na yaon ay canilang iuan at sampon nang lahat na ariarian. Tanang casangcapan at mang̃a sandata gayon din ang lahat na mang̃a hacienda, ang bagay na yao'y ng̃ matanto nila nang̃agsang-usapan sila capagdaca. Na sila'y huming̃i nang araw na taning na malaon-laon ng̃uni't di pinansin, niyong mang̃a turco, caya ng̃a't uala ring makitang paraang huag mahilahil. Gayon ma'y sa aua nang Dios na Amá at sa tulong nang mahal na gracia niya, nasoc sa canilang mang̃a ala-ala ang cay Carlomagnong loob na maganda. Sampon pa nang taglay na cabayanihan at yaong loob niyang cabutiha'y sacdal, ang caniyang pagcamaauaing tunay sa nang̃asasahol na cahit sinoman. Ang guinaua nila sa bagay na ito ay ang mang̃a susi nang Sto. Sepulcro, ay ipinadala sa cay Carlomagno sampong estandarte nang nubos sa tao. Pumanaw noon din yaong embajada at cusang tinung̃o ang Imperiong Roma, sumulat din naman yaong Patriarca at cay Constantino ay ipinadala. Sa Constantinopla, ng̃uni't hindi ito yaong Emperador na si Constantino, na humanap bagá nang Cruz ni Cristo na ipinanglunas sa sala nang tao. Yaong casabihang Constantinong yaon Anác ni Constanciong bunying Emperador, at nang Emperatriz Elenang gumugol nang pagal at yamang hindi sasang̃ayon. Ang sa Patriarcang sinulatang ito bilang pang̃alauang Haring Constantino, ang pinagsabiha't hining̃ang saclolo nang gagauin niyang munacalang bago. Nang cay Constantinong tangapin ang sulat at ang nalalama'y pauang matalastas, ay noon din nama'y inutusang agad ang Príncipe Leon na caniyang Anác. Pinasamahang cay Juan de Napoles at saca sa nang̃ang̃alan pang si David, dalaua pa ring Hebreong sasanib Samuel Isaac sa historiang sulit. Sila ang piniling mang̃a embajada sa cay Carlomagno sa Imperiong Roma, na may dalang sulat na nilagdang sadya niyong Emperador Constantino bagá. Calakip din yaong sa Patriarcang liham tang̃i sa titic niyang gayari ang saysay cagabi aniya'y napakitang tunay na akin, ang isang babaying marang̃al. Na ang carikita'y caguilaguilalas uica'y Constantino'y ang laguing pagtauag, at iyong pagsamo sa Dios na uagas na icaw ay bigyan nang tapang at lacas. Sa cuhilang turco ng̃ pakikilaban na doon sa tierra Santa'y nagtatang̃an, sa iyong malaking nasa'y cailang̃an na si Carlomagno ay macaalacbay. Itinuro yaong Caballerong isa na butihi't lubhang malaking halaga, ang gayac, at yaong sibat at espada'y apoy ang sa talim ay nagsisibuga. Na tumitilamsic ang tapon ng̃ ning̃as ang muc-ha'y maganda't gayon din ang ticas bulagáw ang matá't mahaba ang balbas buhoc ay bago pang may puting mamalas. Caya Emperador huag pong hindi ca sa lacad na ito'y mangyaring sumama, sumunod sa utos nang Dios na isa't magpasalamat sa iyong caloloua. Sa pagca-justicia'y ng̃ huag masinsay gaya nang balitang mang̃a cabutihan, na guinagaua mong malaon nang araw sa mang̃a sacop mo't maguing pa hindi man. Ipinalagay ca niyong Poong Dios na sa cagaling̃ang gaua ay mauulos, ng̃ cay Carlomagnong sulat ay matalos ang luha sa matá pagdaca'y umanod. Sapagca't ang Santo Sepulcrong mahal ay nasa sa camay ng̃ hindi binyagan, nang oras ding yaon ay nag-utos naman doon sa cay Turping Arzobispong hirang. Na sa caharia'y iaral na tikis ang gayong balita na cahapis-hapis sa bagay na yaon ay nang matigatig ang loob nang tao't maguising ang isip. Guinanap ding agad niyong Arzobispo na ipinang̃aral doon sa Imperio, maraming nagning̃as na loob nang tao na nagsipagdamdam sa bagay na ito. Caya ng̃a at noong hucbo ay ilacad maraming sumama na nang̃ahicayat, at nang̃agsitapang na di hamac-hamac at nagcusang loob nang pakikilamas. At niyong ilacad yaong ejército ang punong general ay si Carlomagno, maraming casamang Hari't Caballero Duke, Conde't Markes at ibang guinoo. Minagaling nilang tikis na panauan ang asaua't Anác ari't cayamanan, sa malaking nasa nilang isangalang yaong tierra Santa na linapastang̃an. Yumao na silang tinauid ang dagat nang magsiahon na'y parang ang tinahac, at ang cagubatan nang Tarquiang malauac nang mang̃a bayaning pauang nagagalac. Sapagca't nang bagong lalacad ang tropa ay si Carlomagno'y nagpahayag muna, nang pakikilaban na gagauin nila nang upang hinahong camtan ang victoria. Dahil sa magandang gagauing paraan mang̃a loob nila'y sumigla't tumapang, ng̃uni at nagdamdam silang cahirapan nang tahakin nila yaong caparang̃an. Na may habang mang̃a labinlimang legua at may sampong leguas naman yaong lapad, mahiguit na dalauang oras na linacad at dalauang gabi bago nacalampas. At ang nasumpong pa'y leong caramihan mang̃a tigre't oso, lobo at halimaw, sa canilang hucbo ay siyang nagbigay nang lubhang maraming mang̃a casamaan. Lalo na sa gabing canilang pag-idlip doon nangyayari ang lalong pang̃anib, dahilan sa gaua niyong mababang̃is na hayop, na ualang auang magpasákit. Tang̃i pa sa roo'y ang pighati nila doon sa paglacad ay nang maligaw na, bakit sa pagcain nila'y kinapos pa, saca mang̃a pagal cung caya nang̃amba. Mang̃a loob nila'y lubos na namanglaw nang sila'y gabihin sa nasabing parang, sa di pagcataho nang pagdaraanan dahil sa nangyari nilang na pagcapaligaw. Sa cay Carlomagnong ipinatugtog na ang guinbal, na tanda nang pagpapahing̃a, at ipinag-utos na lumagay sila sa libis ó bang̃i't magbantay ang iba. Yaong mang̃a hindi lubhang napapagod at siyang magtangol sa nang̃atutulog, sa magsisisiláng mabang̃is na hayop na nagpapahirap sa mang̃a soldados. Nang maiayos na ang lahat nang caual at ang gutom nila'y nang mapauing tunay ay si Carlomagno pagdaca'y lumagay sa puno nang isang malaking halaman. Siya'y lumuhod na't nanalang̃in doon at nagmaca-aua sa Dios na Poon, na sila'y iligtas sa madlang lingatong at matausan din ang canilang layon. Nagpapacumbabang luha'y tumutulo sa gayong caniyang pagmamacaamo, hibic at pagluhog na taos sa pusò at mang̃a pagdaing at buong pagsuyo. At pinasimulan yaong pagdarasal nang sa Dios bagang mang̃a capurihan, sa dasal na verso'y nang dumating naman may voces nang ibong siya'y napakingan. Na ang uica'y tunay na naring̃ig ca na nang pagdalang̃in mo sa Dios na Amá, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba. Ibon ay muli pang nagsabing malacas na naring̃ig cana niyong pagtauag, nang cay Carlomagnong yao'y matalastas sa mang̃a pinuno'y nag-utos na agad. Lahat nang soldado ay ipinalagay sa mabuting ayos niyong pagcahanay, at pinagsabihan nang panghihinapang lumacad nang siya ang nasa unahan. Sinusundan nila'y ibong lumilipad na bilang patung̃o doon sa paglacad, anopa't natunton ang tunay na landas caya ng̃a't toua nila'y hindi hamac. Pinagca-alama't magpahaga ng̃ayo'y laguing nakikita ang nasabing ibon, nang nang̃aliligaw sa gubat na yaon pinapatnuguta't daa'y nang matunton. Sa gubat na yao'y nang macalabas na yaong Emperador at casamang tropa, isang daang libo ang natanaw nilang turcong bucod-bucod ang pulutong bagá. At cung caya naman nila natalastas ay may lihim silang taga pagsiyasat, at cung magagaling ang sandatang sangcap nang magaua nila ang lalong marapat. Pinacabuti na ang canilang ayos at nang̃agsigamit nang tanda nang Cruz, nanalig na paua sa aua nang Dios at nagpacatapang nang canilang loob. Niyong matapos nang ihanay ang caual sa lalong mabuting mang̃a catayuan, at inaatas na ang mang̃a paraan na marapat gauin sa pakikilaban. Sinimulan na ng̃a ang pagbabatalla nang dalauang hucbong leon ang capara, tapang nang cristiano ay cataca-taca sa dahas at licsi nang pananandata. Ang cahalimbaua'y tigre at halimaw niyong paghandulong sa mang̃a caauay, magcabi-cabila'y nagcalat ang bangcay niyong mang̃a turcong canilang calaban. Nang ualang magaua sa pakikilaban at napipipilan nang pananandata, nang di macasaho't nasasahol sila ay nang̃agtacbuhan silang para-para. Pumasoc sa Ciudad niyong Jerusalem at adhicang doon mang̃ag-sisitiguil, ng̃uni di nangyari't sila'y inusig din nang mang̃a cristiano saan man dumating. Anopa at sila'y hindi tinugutan hangang di naubos na pinagpapatay, nang uala na cahit ni isa mang buhay doon ay sila na ang namuno naman. Yaong Santong lugar ay nang mabaui na sa camay nang turcong mang̃a palamara, ay si Carlomagno't lahat nang casama ay doon na muna sila nagpahing̃a. Nang macapagpaui na sila nang pagal sa bunying Patriarca ay nagpapaalam, binibigyan sila niyong cagantihan guinto't pilac sampong batong bagay-bagay. Bunying Emperador na si Carlomagno at gayon din yaong Haring Constantino, ay hindi tumangap nang handog na ito niyong Patriarcang huming̃ing saclolo. Kinilala nilang tunay na nag-utos sa canila'y yaong darakilang Dios, at ang catapang̃an sa pakikihamoc nila, ay Dios din yaong nagcaloob. Sa guinauang yaong di pagtangap nila ang uinica naman niyong Patriarca, cung gayo'y ang ualang timbang na halagá ang aking sa inyo ay ipakikita. Cayong lahat ng̃ayo'y hustong tatlong araw na mang̃ag-colacio't tuloy magcumpisal, at mang̃agcomunion sa kinabucasan na sinoma'y huag pasalahin lamang. Malabis ang touang canilang tinangap at noon din sila'y nagcolaciong lahat, nang̃agcompisal di't comunio'y ginanap hiling nang Patriarca ay pauang tinupad. Tanang cautusa'y nang mairaos na ay humirang naman nang labindalaua, na mang̃a guinoo at iniatas niyang ilual sa Cofre ang tanang Reliquia. Yaong Emperador Carlomagno naman ay sa Arzobispo siya'y nagcumpisal, at tuloy rin namang siya'y nakinabang ayon sa Iglesiang mang̃a cautusan. At yaong pinili na labindalawa ay pinasimulan yaong pagcacanta, nang Letania't Salmos namang iba't ibang pagbibigay puri sa Dios na Amá. Saca ang Prelado doon sa Napoles na cagalang-galang na ang ng̃ala'y David, binucsan ang Cofreng doo'y nasisilid ang cay Jesucristo na coronang tinic. Ang takip nang Cofre ay nang maibucas ang samyo nang bang̃o ay humalimuyac. na nagbigay aliw sa tanang caharap asa nilang na sa Paraisong lahat. Noo'y natiguib nang pagsampalataya ang cay Carlomagnong puso't caloloua, siya ay lumuhod na caracaraca na namamalisbis ang luha sa matá. Casabay ang hibic at mang̃a pagluhog sa di matingcalang maauaing Dios, at ang Pasión niya'y nang lalong mabantog ang bagong himala'y ipinagcaloob. Sa oras ding yaon namang capagdaca ang coronang tinic nang nacop sa sala, nagsipamulaclac na caayaaya ang samyo nang bang̃o ay ualang capara. Na nacabubusog sa naroong lahat caya ng̃a't ang toua nila'y hindi hamac, at niyong hang̃uin ang Santos Reliquias ay lalong maraming himalang namalas. Tanang mang̃a lumpo, bulag sampong pipi ang pilay ay bucot sampong mang̃a bing̃i, gumaling na lahat caya't di masabi yaong cagalacan sa gayong nangyari. Ang mang̃a leproso ay gayon din naman caya't nagpupuri silang walang humpay, ang dakilang bang̃o'y sumikip sa baya't nasamyo nang lahat yaong casarapan. Malacas na voces ay naring̃ig nila uica'y cabuhayan ng̃ayon nang lahat na, at ito ang araw nang mahal na graciang caloob na tunay nang Dios na Amá. Tatlong daa't lima ang mang̃a may sakít sa araw na yao'y gumaling na tikis, caya ng̃a't sa puso nila'y nang̃atitic ang himalang yaon nang Dios sa Lang̃it. Ang Prelado Daniel ay cumuha naman niyong isang paco nang nacop sa tanan, at sa relicariong guinto'y ilinagay isang bagong taong gumaling ang damdam. Capagcabata nang ipang̃anac siya at ang calahati nang catauan niya, ay tunay na tuyo capagcaraca na cung caya ng̃a hindi macakilos bagá. Ng̃uni at dahilan sa pacò ni Cristo'y biglang nacalacad ang nasabing tao, at naparoon nang halos tumatacbo sa Simbahang hayag na cay S. Sabino. Doon ng̃a pinuri't pinasalamatan ang aua ng̃ Amáng macapangyarihan, at ang sakít niyang pinagcalabasan gumaling na tila nagdahilan lamang. At sa Alemania naman ay gayon din maraming may sakit yaong pinagalin, sampon nang Enano ay lumaking tambing at sa cahustuhang anyo ay tumiguil. Ualang di gumaling na mang̃a may damdam doon sa Reliquias nang nacop pa tanan, caya't nang̃agpuri nang di ano lamang sa Dios na ualang hanggang caauaan. At saca isa pang sangol na patay na ang muling nabuhay na cataca-taca, dahil sa cay Cristong pacong mahalaga'y siyang naguing lunas na nagpaguinhaua. Saca nang dumating doon sa Aquisgran ay huminto sila sa isang Simbahan, at sa isang Altar nila ilinagay ang Santas Reliquias ni Jesús na mahal. Ang Simbahang yao'y sa mahal na Virgeng Nuestra de la Salud, at siya'y nagbilin, na sa taón-taó'y huag pasalahin na ang cafiestaha'y pilit gaganapin. Sa buan nang Junio ay ipamamalas sa lahat nang tao ang Santas Reliquias, at mang̃ag-cacamit sila nang plenarias yaong Indulgenciang sa sala'y patauad. Pasiya nang Papa ang bagay na ito nang ipagcaloob sa cay Carlomagno, caya't guinaganap nang mang̃a cristiano na tunay na lingcod nang Poong si Cristo. Ang Simbahang yao'y pagaua rin naman niyong Emperador Carlomagnong hirang, caya ng̃a't ang bilin ay nang maisaysay siya'y nagbalic na sa palacio real. Magmula na noo'y nabalitang tikis ang cay Carlomagnong cabutiha't bait, siya ang nagtatag niyong Doce Pares taglay nang caniyang cagandahang isip. Sa pagcabayani ay siyang nabantog na pa mang̃a turco ay naguing kilabot, ganon dín sa lahat nang nang̃asasacop ay lubhang hinahong cung siya'y mag-utos. At sa Dios nama'y lubos ang pag-galang maguing sa Iglesia na cay Cristong halal, sinusunod niyang ualang caliuagan ang bilin at utos at ang mang̃a baual. Caya't ang caniyang magagandang gaua siyang dapat cunang uliran nang madla, at sa mang̃a puno'y isang halimbaua nang casarapang luming̃ap sa capoua. Hindi sa sarili lamang lumiling̃ap at iisa yaong pagting̃in sa lahat, maguing sa mayaman at sa mang̃a salat sa caniya'y ualang mababa't mataas. Di gaya nang Haring si Herodes na sakim sa yama't carang̃alang labis, caya ng̃a't sa gauang yao'y ang nasapit doon sa Infierno cusang nagcasakit. At gayon din yaong si Poncio Pilatong hocom na humatol sa Poong cay Cristo, sa tacot sa bala niyong mang̃a judio na ipagsusumbong siya cay Tiberio. Na siya ay isa bilang casapacat nang ipinaghablang mahal na Mesias ay baca alisin sa tungkol na hauac cung caya humatol nang hindi marapat. Cahi't alam niyang ualang casalanan ay ipinasiyang si Cristo'y mamatáy, nang sa cay Tiberio'y ipagsabi naman gauang lihis niya'y siyang hinatulan. At ipinahuli na guinapos siya tuloy tinubung̃ang hayop ang capara, at noon din siya ay ipinadala doon sa caniyang bayang Tarragona. Na uala ni cahit banig man ó cumot caya ng̃a't sa lupa lamang natutulog, at di iniiuan nang sundalong tanod hangang sa ang búhay niya ay natapos. At nang makitil na ang tang̃ang hining̃a'y ibinulid naman yaong caloloua, doon sa Infierno't dusang ualang hanga at uala cahima't camunting guinhaua. Pagca't si Pilato ay hindi binyagan siya'y nalalabas cay Cristong baunan, caya't suson-suson yaong cahirapan at di matatapos magpacaylan man. Dahil sa mayroong lumabas na auit na dili umano'y na akyat sa lang̃it, yaong si Pilato, ito'y sabing lihis nang nagsasalita ay di iniisip. Ipinahahayag niyong Evangelio na ang di tumangap nang Agua Bautismo, ay di nagcacamit nang Lang̃it sa Reyno at ang matatamo'y hirap sa Infierno. Camaliang tunay yaong pang̃ung̃usap na si Pilato ay sa Lang̃it na akyat, at ang nabasahan ay librong salung̃at ó lic-ha nang budhing lubos na pang̃ahas. Kinacailang̃ang anomang gagauin nang tao, ay dapat munang iisipin, at sala sa Amáng lumalang sa atin at tatauanan pa nang macalilining. Huag yaong tayo'y macakita lamang nang pilac, ay cahit di catotohanan, cahit ualang librong kinakikitaan ay di nang̃ing̃imi nang pagsasalaysay. Alalahanin mo guiliw na capatid na di gagapilac lamang yaong Lang̃it, sa camunting yamang ating ninais yaong ualang hangang toua'y ipapalit. Magnilay-nilay ca't ang gauang mabigla ay di gayon lamang cung mapang̃anyaya, bakit ang parusa'y laguing nacahanda nang Hucom na hindi mangyaring madaya. Sa caniya ay ualang munting naliling̃id ang lahat ay paua niyang nalilirip, cahit gagadulo man lamang nang hanip at siya'y ualang hindi nababatid. Mabuti na lamang cung mapagsisihan ang lahat nang ating gauang casalanan, at may patauad pang sucat maasahan ng̃uni't cung di gayo'y sauing capalaran. Sa utos nang Dios ay dapat gumanap tayo, at gayon din sa Iglesiang atas, nang upang matamo nating aliualas ang caligayahang ualang pagcucupas.

WACAS

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings