← Table of contents
Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

PAUNAUA

Reading edition

Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga. Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito. Siya'y isang tangi cung sa cabaitan at ulíran naman cung sa cahinhinan, nang tanang babae, nang casalucuyang siya ay dalaga't nang mag-asaua man. Caya cailangang pacatatastasin yaong buhay niya't nang iyong malining, mulang puno't dulo'y iyong pasayurin at nang upang iyong matantong magaling. Hangang dito aco't ang bahala'y icaw sa tula cong hamac na pinag-inutan, sa dahop cong cayang hinimalay lamang na butil, nang manga nalagas sa uhay.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings