Sina-panulat niyaring auit
Reading edition
Aco naman n~gayong tumula't di harap sa masusing libing n~g sintahang tapat, itulo't ang icao'y Veronang may palad, bali't pahatdang maligayang oras. Icao'y aquing tac-ha't pinupuring lubos, pagcat sa lupa mong masanghaya'y sipot ang gayong sintahang malinao sa bubog at punong sabihan sa boong sinucob. Bayan sa cabilang buhay n~g linipad, nanao rin ang gauang ualang iquinupas: pacliha't suyuang tamis n~g pag-liyag at sa iyo'y Verona pamana ang bacas. Sa caniyang handog ito'y tahil bibig matulin mag lacó sa boong daigdig, sa naquiquitun~go lasa cung matamis n~galan mong Verona sa puri calaquip, Oo n~ga't sa iyong n~gala'y natatampoc cung baga sa sing-sing ang calugod lugod na iniuang buhay n~g hindi natapos Julieta't Romeo sa bayang sigalot. Naguing para ca mang mut-yang punong ning-ning pinag-agauanan at nasalin salin sa iba at ibang liping nagsisupil, n~gunit ang sintahang tunay sa iyo'y supling. Guinamit man cahit sa pagcacapatid n~g iba mong anac ang dahas n~g caliz; n~gunit anac mo rin ang nagpatahimic at nag-iuang sa iyong pan~galang malinis. Ang may pagtataca sa aba'y matulad lalo sa pag auit nagtumiis puyat Verona, ang iyong catamisa't saclap sa dili-dili cong alin ma'y calangcap. Bati niyaring puso, Veronang mariquit, sa n~gayong na tapos sandaling ilaquip gauang sa talagang DILAG niyaring auit sa pagcat aco man cugcop n~g pag-ibig. Ang may catunghayan umanhin ay sicat, at acong may sala sa limot isadlac: capatac na luha n~g sa pusong lagac sa hangang libin~gan n~g SINTAHANG UAGAS. ANG TUMULA