CATAPUSAN
Reading edition
Marahil hindi pa iyong nalimutan bumabasang ibig, ang alilang abay, n~g Conde de Paris n~g tumpang alayan bulac-lac ang bangcay ni Julietang buhay Ang Conde n~g bago Romeo'y sinuhin sa samang utusan gayari ang bilin: aniya'y, magtumagong cumanlong sa dilim at huag lalapit hangang di tauaguin. Caya sa utusan hindi nailin~gid ang boong nangyari naquita't nirin~gig. pati si Julieta sundang n~g itiric sa mahal na puso, pag agao n~g nais; N~gunit n~g marin~gig n~g paa ang yabag ni Fray Lorenzo umurong sa agap; at n~g maaninao ininlaga'y bicas sa canlun~gang libing madaling lumabas. Lahat na nangyaring narin~gig namasdan sa Principe Scala pinagbigay alam, at noon ang arao anyo nang sisilang caya gauin dapat ualang ibinalam. Sumandaling liban sa libin~ga'y nasoc m~ga ilang caual n~g Principeng bantog, ni Fray Lorenzo catulong nag-ayos sa tatlong inusig n~g palad na capos. Palibhasa tatlo'y anac sa calac-han balita'y madaling cumalat sa bayan; cubcob di naglaon ang boong libin~gan sa nagsipanood duc-ha at mayaman. Sarisaring balac doon naririn~gig palibhasa'y di pa naguing dahil batid, canicaniyang catha ang ipinipilit pagcat gayo'y lacad sa boong daig-dig. Anot ang Principe at capoua magulang n~g nagcasing sinta nasoc sa libin~gan, pati camaganac at ibang caibigan na anyayang lahat n~g capangyarihan. Ang luhang bumucal di na ipagsulit sa capoua magulang n~g nagcasing ibig, tasa n~g panulat sa gayon ay biquig at capos maghanay n~g pighating labis. Bumabasa, sa iyo'y luhog cong magbalac lumbay n~g magulang sa anio n~g anac, n~g buhay, cung lalo tan~gi't punong dilag ó inaasahang ligayang manin~gas. Lumbay n~g magulang sa Pari ang tin~gin, ná patayo't baba sa dib dib padiin, lubhang mahalaga cung baga isipin may nasang itanong, n~gunit napipiguil. Dapouat sa Principe ang gayo'y di lin~gid at caya sa aua sa Pari'y nagsulit, aniya "Padre, n~gayo'y ¿sabihin ang baquit Julieta't Romeo'y bangcay pinagdatig?" Ang Pari, sa tayong ulo rin ay yucod tumugon at aniya sa sabing malambot: "pinagsamang camay na loob n~g Dios n~g tauo ay hindi maipagbubucod." Principe pumac li, aniya, hindi lirip tila talinhaga iyong pinagsulit, cayá sa dan~gal mo aquing ninanais boong liuanangan n~g upang mabatid; Aco'y tila uhao sa mahal mong turing. pagcat anhin co mang sa isip basahin iyong natatalos mahalagang dahil lihim n~g nangyari na calaguim-laguim. Ang Pari hindi na hinintay maulit hiling n~g Principe agad pinagsulit: sintahang dalisay sa buhay pumatid Julieta't Romeong catotong matalic. Tahimic dinin~gig niyaong calahatan n~g Pari ang boong banayad sinay-say, saca n~g matapos sabay isini~gao ang sing-palad saquit n~g panghihinayang. N~gunit ang Principe sinigilan n~g galit n~g matantong lahat ang sa Paring sulit, aniya, "icao Padre, n~gayon ang bibit-bit sa maboong bigat n~g santong matouid." Ang Pari tumugong ualang munting tacot aniya, "inaamin loob ninyo't utos tungcol co't hindi rin sala n~ga sa Dios, tibayan sino mang di sauing sing-irog. At cayá tinuro naguing sanhing litis sing-palad sa buhay lubos na pumatid pagcat tungcol co ring iligtas sa bahid ang sino man siyang acalang madiit." Principe, sa gayo'y lalo nang nadimlan, at aniya, "Frayle sa hindi iilang ligalig sa lupa, na cahambal hambal ang "iniyong" pacana't litis ang dahilan. Cahit man di dapat sa banal "niyong" tungcol pinaquialama't nagdudunong-dunong, naghahari hari't cunuang mapagtangol bago nito'y laman cadalasa'y lason. Mulá sa palacio't hangang dampan´g bahay "lacas" na di dapat ang "ibig" umiral bago ang tinungcol n~g sati'i Cumapal ganang caniya'y ucol at di ibang bagay Taga ad ya ca man n~g calulua dun~gis, n~gunit di mo tungcol ang tinurong litis cay Julieta n~gayon sa buhay pumatid at nan~gadamay pa iba sa ligalig. Julieta't Romeong nasa mong isilong marahil sa "iniyong" baliting yamongmong, m~ga pusong guinto nila'y di aayong "magpacafrayleng" lait, púla'y sunong. Julieta't Romeo'y di man supling yaman sa capoua ay hindi gagauing puhunan lacas "ninyong" an~gat sa pagcat panghimay sa muc hang may dugo ang carumaldumal. Julieta't Romeo'y uliran n~gang dib dib ang muc-ha'y mayuco at hindi patindig, at cung sacali man sa hindi pagtiquis sa canilang cpoua'y macagauang lihis; N~gunit ang pagayon sa asal niyo'y laban sa mundo'y bandila n~g isip casmán, utos ni Bathala, isatalampacan at n~g leying tauo'y ang ibig luhuran. At n~g upaug gayo'y mahangahang lubos at icao sa ibang cauangqui sa suot ang magbigay dala buhay mo'y managot sa parusang tapat n~g matouid utos." Sa mauica ito'y nagdagling lumapit bunying Capuleto't gayari ang sulit: aniya—"ó Principe, sa pasang ligalig ang Pari ay ualang sala man gahanip. Aco ang may sala't mali ang inasal. sa pagtatanimang namin n~g casubiang, caya sa ulo co isadlac ang bagay ang parusang titic sa boong catouiran." Sa ito'y matapos Montesco'y banayad lumapit na dagli saca nagpahayag: aniya, "ó Principe, aco man ay dapat magcamit parusa't ang Pari iligtas; Pagcat ito'y ualang sala ano pa man liban n~ga sa amin bagang nan~gag laban, ualang pinaglutas hangang sa tinanghal n~g matang may luha m~ga bun~gang mahal. N~g di pamarisa't maticman ang pait n~g iba ang bun~ga n~g alitang labis sa aming dalaua ipisan ang bagsic n~g parusang lapat sa hustong matouid." Sa gayong narin~gig agad linapitang n~g Principe yaong bangcay n~g sing hirang pinagduoóp ulo ang capoua magulang tinauag at saca ganito ang say-say: "Ang parusa'y pagcat iniyong inaamin ang Pari sa sala pilit tinatacuil sa iniyo'y hatol co n~gayo'y uliniguin magpacailan man huag lilimutin: Magcabicabila dacong taguiliran n~g dalauang bangcay bun~ga ninyong mahal, cayo'y magsilapit magcauit n~g camay sa canila'i patong sumumpang matibay. Sa n~galan n~g buhay na nagpacalagot n~g capua nio anac na nag isang irog malaong alitan ilibing sa limot, bihisang payapá hangang huling tiboc." Ano pa't ang gayon dalaua'y tumupad camay ay ipinatong sa canilang anac, tauad pinagsumpa sa mata'y lagaslas ang lúha at saca mahigpit nag-yacap. Ito'y catunayang malinao't matibay n~g pagcacasundong magpahuling hangan, ang anac sa buhay dan~ga't nagsipanao di pa n~ga nabunot sa puso'y ang subiang. Uica ni Julieta't Romeo'y naganap sa dacong unahan, anilay "cung nin~gas bihis sa alitan, ang sintahang uagas nila nama'y siyang papatay sa liyab. Cahima't sa gayon ang ibig sabihin munting nalisiya, pagcat nan~ga quitil buhay nila'y bago casundo inamin n~g capoua ama't nauala sa tiquim Julieta't Romeo, "sumpa-ay n~g tapos," sa simbahan Ciudad maayos pinasoc, man~ga cagayacan sa labas at loob sa matang natin~gin ang toua'y hahandog; At ng mayari na ucol na gagauin sa bangcay ay pitang dalaua'y linibing[12] na lubhang masusi sa isang maning-ning lagacang sinad-yang parang huling hayin. Sa apat na panig lagacang mataas tinitic n~g duquit pagsintahang uagas Julieta't Romeo'y n~g upang matan-yag at maguing cunanang halimbauang tapat. Nani-niray halos sa Verona'y tanán patnubay sa Dios dalan~ging matibay, n~g matang maamo marapatin tingnan caluluuang sa sintang uagas nagcadamay. DULO.