← Table of contents
Ang mga Anak Dalita

Sa bábasa.

Reading edition

Kaibigan ka man ó di kapanalig, kasuyo ó hindi, kaaway ó kabig, di ko hiníhing̃ing huwag mong isulit, sa akin, ang pula na ibig ikapit. Di ko mawiwikang ipagpaumanhín ang mali ó lisya na iyong mápansín, sabihin mong lahát ang ibig bangitín; may kalayaan ka, di ko sinisiíl. Di akó gagaya sa ibáng katulad na hihing̃ing awa ó ipahahayag na kutád ang isip at bubót ang hagap; kapós palá'y ¿bakit nang̃ahás sumulat? Kaya ng̃a't antáy ko ang iyong pasiya yamang ikáw'y siyang susuri't lalasa; ng̃uni't ang hilíng ko'y pintás pantás sana ang iyong gamitin sa mg̃a mábasa. Di ikasásama nitóng kalooban, pintasán man itó, ng̃uni't tama lamang; ang dáramdamín ko'y ikáw ang wikaang: mangmáng palá'y ibig magdunóng-dunung̃an. Kaya ng̃a't bago ka magsabi ng̃ hatol ay magnilay muna, gamitin ang dunong (kung matalino ka) at saká ipatong ang wíwikain mong di na mahahabol. Dapwa't, kung sakali, namáng, ang mangyari'y dúdulutan akó ng̃ iyóng papuri,...... ¡Maraming salamat! (maraming marami) ng̃uni't nilayin din na lubhang mabuti. Pagka't ang tawa man, kapág nábulalás ay hindi na tawa kung hindi halakhák; labis na puri'y, karaniwang banság, kung minsan ay tuya't kung minsan ay libák. ANG KUMATHA.

Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings