← Table of contents
Si Tandang Basio Macunat

ADVERTENCIA A LOS NO TAGALOS QUE LEAN U OIGAN LEER ESTE CUENTO

Reading edition

Mucho, y hasta interesante, podria decir sobre el idioma tagalog y sobre otros incidentes de actualidad, que no dejan de relacionarse con el citado idioma; pero ni la ocasion, ni la pequeña, por no decir nula, importancia del presente cuento se prestan á ello.

Po eso he de concretarse á mis lectores no tagalos que, en este mi insignificante trabajo, hago uso de no pocos términos castellanos; de unos por ser técnicos, que no admiten sustitucion; de otros, porque están ya tagalizados, y son de uso comun; y de otros en fin, porque, aunque pudieran muy bien ser reemplazados por otros propios del, (aun no bien conocido), idioma tagalog, sería necesario echar mano de mas palabras, para espresar el sentido.

Poco é insulto es lo que presento á mis lectores no tagalos, pero aun asi y todo creo, (y dispenseme esta inmodestia), que no dejarán de encontrar algo que no les desagrade en este escrito.

Tambien advierto que en la prosodia y sintaxis me he atenido frecuentemente á la prosodia y sintaxis españolas.

Añadiendo por último que el idioma tagalog está en crisis, en esa crisis, por la que han pasado casi todas las lenguas é idiomas, sobre cuya circunstancia, echaría yo ahora, de muy buena gana mi parrafito, mas ó menos estenso, y mas ó menos certado, pero al fin un parrafito; mas, dadas las condiciones actuales, opino que basta y sobra con lo dicho, que no dejaran de comprender los que, despues de haber estudiado con alguna detencion ó atencion el idioma tagalog, esten ademas al corriente de lo que sucede y pasa......

Fr. Miguel Lucio y Bustamante

SI TANDANG BASIO MACUNAT

Sa aquing manga paglacad-lacad, at pagdalao-dalao sa manga bayan-bayan dito sa Filipinas, ay nacarating aco sa isang bayang ang ngala,i, Tanay sa Distrito nang Morong.

Aco,i, napatiguil doon nang dalauang lingo, at dito sa pagtira cong ito,i, naguing caquilala co ang isang matanda na ang ngala,i, si Gervasio Macunat, at cung tauaguin doo,i, si Tandang Basio.

Malaqui ang pagcauili co sa matandang yaon, palibhasa,i, matalinong, masayahin, at matalas na matalas ang caniyang bait at pagiisip. Gabi-gabing ualang sala,i, pinaroroonan co siya sa caniyang bahay, at doon nagsasalitaan cami nang sari-sari, hanggan sa malalim na ang gabi, at cung minsan ay inuumaga pa cami sa aming pagsasalitaan.

Dito sa aming manga pagsasalitaan, ay pinag-uusapan din naman ang iba,t, ibang ugali nang manga tagalog, at aco,i, natotoua nang di hamac, sa paquiquinig co nang caniyang matitinong catourin at casagutan sa lahat nang bagay na aming pinag-uusapan.

Isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya:

Cung cayo po,i, nag-aral sa Maynila nang caunti man lamang; cung cayo, po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay segurong-segurong cayo,i, naguing directorcillo dito sa inyong bayan, at macaquiquita, po cayo sa Tribunal nang pagcabuhay ninyo na ualang malaquing capagurang paris ngayon, na cung ibig, po, ninyong cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan, po, na cayo,i, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,i, macaquita nang maisusustento sa inyong familia.

¡Ay ina co! ¡Cáhimanauari houag na acong nag-uica nang ganoong uica!

Nagalit na di ano lamang ang matanda; at nagbucang bibig nang lintic, at iba,t, iba pang ganito; na ang isip co baga siya,i, nabalio, ó napaano caya. Subali,t, pagcamayamaya, at nang lumipas-lipas na ang caniyang biglang galit, ay nangusap sa aquin nang gayon:

—Patauarin, pó, ninyo aco; ipatauad, po, ninyo sa aquin ang pagpapaualang galang co, po, sa inyo.

—Aco, pó, ang sagot co; aco, pó, ang dapat patauarin ninyo, sapagca,t, aco,i, siyang nagbigay galit sa inyo, baga man pó,t, hindi inaabot nang aquing pag-iisip, cung ano,t, anóng iquinagagalit ninyo sa aquing salita.

—Houag, pó, ninyo acong cayamutan ang uica ni matandang Basio; houag, pó, ninyo acong cainipan, at matatastas din, po, ninyo cung baquit nasira ang aquing loob doon sa sinabi, pó, ninyong tungcol sa pag-aaral nang uicang castila, at sa pagdidirectorcillo.

Inyo pong salitain ang uica co, ang balang maguing gusto ninyo, at malaqui ang toua cong maquinig sa inyo.

Ang una-unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin, at saca,i, sasalaysayon co, pó, sa inyo ang puno at dahilan nang pagcagalit co sa inyong salita cangina.

Cayo, pó, ang bahala, ang sagot co. Umupo lamang tayo dito sa papag, at habaa,t, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po, cayong cayayamutan.

Cung ganoon, po, aco,i, sasapol na.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings