Front matter
Reading edition

PAALAALA SA MGA MAPAGUSAPIN
Minsa'y dalawang magkaibigan ay nakatagpô ng̃ isang kabibi sa tabi ng̃ dagat. Pinagtalunang ariin ng̃ dalawa't, at ang sabi ng̃ isa'y
—Ako, aniya ang nakakitang una.
—Ako naman ang pumulot, ang sagot ng̃ Kaibigan.
Sa pagtatalong ito'y humarap silá sa hukom at huming̃î ng̃ hatol. Binuksan ng̃ hukom ang Kabibi, at kinain ang laman at pinaghati sa kanilang dalawa ang balat.
Paalaala sa mg̃a mapagusapin.