Front matter
Pascual Hicaro Poblete translation

NOLI ME TANGERE
HUAG ACONG SALANG̃IN NINO MAN




Dr. J. RIZAL
NOLI ME TANGERE
Novelang wicang Castila na tinagalog
NI
PASCUAL H. POBLETE
Kilalang manunulat at Tagapatnubay ng̃ mg̃a unang Pamahayagang Tagalog.
¿Anó? Di bagá cayâ macalálabas sa inyong mang̃a dulaan ang isang César? Tangí na bagá lamang macalálabas doon ang isang Aquiles, ang isang Orestes, ó Andrómaca? ¡Aba! Cung ganyan namang ualâ na tayong namamasdan cung di ang mg̃a nang̃ang̃atungculan sa bayan, mg̃a pari, mg̃a alférez at mg̃a secretario, ang mg̃a húsar, comandante at mg̃a alguacil. Datapowa't sabihin mo, ¿anó ang dakilang bagay na magagawâ nang mg̃a alibughang ito? ¿Pang-gagaling̃an bagá ang ganitóng mg̃a técas ng̃ mg̃a di caraniwang gawá? »Was? Es dürfte kein Cäsar auf euren Bühnen sich zeigen?—Kein Achill, kein Orest, keine Andromacha mehr?« Nichts! Man sieht bei uns nur Pfarrer, Commerzienräthe,—Fähndriche, Secretärs oder Husarenmajors. »Aber, ich bitte dich, Freund, was kann denn dieser Misere—Großes begegnen, was kann Großes denn durch sie geschehn?«
Schiller. Ang anino ni Shakespeare.

MAYNILA
Limbagan ni M. Fernandez PAZ, 447, Sta. Cruz.
Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. Mg̃a wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salang̃in nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán ng̃ mg̃a pantás na mangagamot.
Sa hang̃ad na ang mg̃a librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha ng̃ Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling ng̃ catagalugan, ang mg̃a doo'y sinasabing nagpapakilala ng̃ tunay nating calayaan at ng̃ dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán ng̃ ning̃as ng̃ ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na mg̃a librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos ng̃ wicang castila na guinamit sa mg̃a kinathang yaón.
Cung pakinabang̃an ng̃ aking mg̃a calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan.
Maynila, unang araw ng̃ Junio ng̃ taong isang libo siyam na raan at siyam.
Saturnina Rizal ni Hidalgo,
ó
NENENG RIZAL.
NOLI ME TANGERE
Catha sa wicang castila ni
Dr. José Rizal
at isinatagalog ni
Pascual H. Poblete