← Table of contents
Florante at Laura

Note 69 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

"macailang hintóng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macailán". May palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicción". Ang "makaitlo" ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok", "suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang", "magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain", "iyuna", "iyalinsunod", atbp.

Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"?

Makaipat! At bakit di naman "makailima"?

Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at "makaisiyam"?

Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi?

Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o papagduyanin ang dila. Sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan, nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing "makailima" o "makaiwalo" sapagka't dalawa pang pantig ang nasa hulihan. Hindi naman magawang "makaliima", "makapiito", "makawailo" at "makasiiyam", sapagka't "magdidilang intsik" na naman.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings