← Table of contents
Florante at Laura

Note 61 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

"Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan". Ganito rin halos ang kay P. Sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang ligazon "y" ang "ng" sa "guerra"; nguni't sa "Kun sino" ay "dinaanan" naman ang nakalagay. Ito ang tama, sa palagay namin, bagama't ang pagkasulat ng "pinagda-anan" ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa "dinaanan" at wari'y hindi kamalian lamang ng limbagan. Sa malas nga ay "pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalaguián" at "sa masayáng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"?

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings