← Table of contents
Florante at Laura

Note 44 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

"Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? Ang "galí" ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay "burco" (gaya ng pagkakastila ni De los Santos) o di kaya'y "alborozo", "alivio" o "consuelo" sa wika ni Cervantes. Ang "galí" ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami. Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. Kahinahinayang!...

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings