Note 39 — PUNÒ NANG SALITÂ
Reading edition
"ang aquing hinin~gang camataya,t, sáquit". Sa Kun sino ..." ay ganito ang nakalagay: "ang aking hininga, kamataya't sákit". Kay De los Santos ay ibang-iba: "no permitiste que trizas hicieran—de mi cuerpo, vida y padecimientos" ang pagkakastila niya sa "at di binaya-ang nagca-patíd-patíd—ang aquing hinin~gáng camataya,t, sáquit". Napakalaya ang pagkakakastila. Nagkaroon ng "cuerpo" (katawan)—na pinalitaw ng "trizas"—at nawalan ng "camatayan" (muerto).
Kay P. Sayo naman ay ganito: "ang aking hininga'y kamataya't sákit". Ito at ang sa "Kun sino ..." ay di wasto. Sapagka't ang isinisisi ay kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na isang hiningang tunay na kamatayan at sakit.
Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga ligazon at sa pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya't sákit"!