Note Q — PUNÒ NANG SALITÂ
Reading edition
Apolo anác ni Jupiter, at ni Latona, capatid na panganay ni Diana, ipinan~ganac sa islang ngala,i, Delos, caguilaguilalás n~g licsi, at catapanganan n~g patain ang serpienteng n~gala,i, Pitón, na nagpapasáquit sa caniyang iná. Anáng m~ga Poeta, ay siyang unang nagmunucala, at nagturo n~g Musica, n~g Poesia at n~g panghuhula: siya ang Principe n~g m~ga Musas at n~g mga Pastores.