Note 36 — PUNÒ NANG SALITÂ
Reading edition
"ang sa pagcatali,i, liniguid n~g hirap". Ganito rin kay De los Santos at kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman—na ayon sa patotoo ng anak ni Balagtas ay mali—: "yaong natataling linigid ng hirap". Sa malas ay walang malaking kaibhan ito sa nauna; nguni't nagkakaibang totoo. Sa una ay kay liwanag na ibinabadhang ang hirap na lumiligid sa nakatali ay anak ng pagkakatali, samantalang dito sa huli ay di maliwanag na ganyan ang ibig sabihin.