Note 35 — PUNÒ NANG SALITÂ
Reading edition
CALULUNURAN. Sa "Kun sino ..." ay "kalunuran" ang nakalagay; kaya, naging pilay. At ang "pagcatungó" ay "pagkatungo" naman kay P. Sayo. Tumpak ang "pagcatun~gó", pagka't "tun~gó" at di "tungo" ang ibig sabihin. Pantay-mata na ang pagkakatungó ng araw. Inilalarawang parang isang taong napakataas ang araw, at noong tumun~gó ay abot sa pantay-matá ang lagay ng kanyang ulo. Napakagandang larawan!