← Table of contents
Florante at Laura

Note 28 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

IPINABIGAY. Kay P. Sayo ay "ipinamigay", na isang tunay na kamalian. Ang "ipinabigay" ay isang balangkas—na maaaring sabihing "tatak Bulakan"—na gaya rin ng "pasuriin muna" ay di siyang karaniwan sa ibang pook ng Katagalugan. Sa iba, ang "pasuriin" ay "kásuriin"; at ang isa't isa ay anak ng "pakasuriin". Sa may dakong Bulakan ay "pa" ng panglaping "paka" ang ginagamit, samantalang sa ibang dako naman ay "ka".

Ang "ipinabigay" ay di nariringig sa ibang dako, kundi ang "ipinakabigaybigay".

Hindi dapat kaligtaang ang "ka" ay siya ring ginamit nina Del Pilar, sa pakling "Caiigat cayo!", bilang tugon sa munting aklat ni Fray Rodriguez, na "Caiingat Cayo!" laban sa mga aklat ni Rizal at iba't iba pa.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings