← Table of contents
Florante at Laura

Note 27 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

INA-ING-AING. Sa iba ay "dinaingdaing". Napaghahalatang kusang binago, pagka't sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. At marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. Nguni't ang katagang iyan ay di mali. Matanda na nga lamang at lipas na. Buhat sa "inaing", na ang laman ng idinaraing ay "ina", gaya naman ng "aying" na "ay" ang nagiging laman ng pagdaing.

Ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay talagang "ina-ing-aing" ang na sa matandang "Florante". Hindi "dinaing-daing."

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings