Note 22 — PUNÒ NANG SALITÂ
Reading edition
"maauaing Langit". Sa lahat nang nasa harap namin ngayon ay ganito ang sinasabí; nguni't isang ginoong nabanggit na namin sa unahan, Cecilio Rivera, ay nagsabi, noong 1906, na iyan daw ay mali. Ipinahahalata niyang sa" lugal niyan ay "tumutungong langit" ang nakalagay. Nguni't nasabi na nga naming: sa lahat na ay ganyan ang nakalagay. Ganyan din ang nakalagay sa "Florante" ng isang sumulat ng ilang lathala ukol sa bagay na ito—noon ding 1906—at nagtago sa pamagat na "Crisantemo", taga Lalaguna at nanirahan sa Marinduke.