← Table of contents
Florante at Laura

Note 19 — PUNÒ NANG SALITÂ

Reading edition

"O tacsil na pita sa yama,t, mataás!" Itong huling kataga ay naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. May nagsasabing kasingkahulugan ito ng "mápataas" at may nagsasabi namang katimbang ng "matayog", kasalungat ng "mababa"; nguni't sa paano,t, paano man ay tama, at siyang ibig sabihin ni Baltazar, ang pagkakakastila ni De los Santos, na "poder"; lakas, kapangyarihan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings