← Table of contents
Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

Note 55 — José Protasio Rizal Mercado (continued 2)

Reading edition

Inaanyayahan co ang lahat ng̃ mg̃a cababayang cami'y magtayô ng̃ isáng capisanang ang pamagát di'y Liga Filipina. Ang súsunding palatuntunan sa capisanang ito'y ang Estatutos ó Palatuntunan ng̃ Liga Filipinang itinayô ni Rizal na isinatagalog co ng̃ayon. Bawa't sang-ayon dito sa aking anyaya'y macasusulat sa akin dito sa daang Misericordia blg. 123, bayang Sta. Cruz, Maynílà. Cung marami, ang tanggapin cong pagsang-ayon tatawag acó ng̃ malakíng pulong at ng̃ macapaghalal ng̃ mg̃a púnò at iba pang kinacailang̃ang gawin. Totoong mahalagá ang magcaroon ang mg̃a filipino ng̃ ganitong capisanan ...Pascual H. Poblete.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings