← Table of contents
Balarilang Tagalog

Note 7 — UNANG BAHAGI Pagbigkás ó Prosodia[3]

Reading edition

Noón ng̃âng araw ay malimit gamitin ang r sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap, at ang madalás gumamit nitó’y ang mg̃a parì sa kaniláng pang̃ang̃aral at sa kaniláng mg̃a kasulatan at dásalan, paris sa halimbawà ng̃ capatír, bacor, lubir, atb., sa lugál na sabihing kapatíd, bakod, lubid. Sa iláng bayan ng̃ Batang̃an ay gayón din ang pagbigkás, at kung dî akó malî ay hindî nagbabago hanggá ng̃ayón.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings