Note 6 — UNANG BAHAGI Pagbigkás ó Prosodia[3]
Reading edition
Ang palagáy ni G. Mariano Ponce sa aklát na Guillermo Tell ni Rizal hinggíl sa pag-áalís ng̃ kudlít sa g̃ at isulat ng̃ ng na walâng kudlít sa itaás, pag-áalís na nagkakahulugán ng̃ pagpawì sa titik na g̃ ay dinaramdám kong dî sang-ayunan gaya rin namán ng̃ dî pagsang-ayon ng̃ maraming mánunulát at mánanagalóg. Ang násabing ginoó ay nagbitíw ng̃ mararami at maháhalagáng katwirang pinagbábatayán niyá, na ang isá’y násasalig sa ibá’t ibáng wikà at ang ikalawá’y ang kapansanang mangyayari sa g̃ sakalìng magpalimbág sa ibáng lupà ng̃ mg̃a kasaysayang tagalog. Akó man sana ay talagáng sang-ayon na rito, dang̃a’t dî maamin niyaring kalooban ang pagtatapon sa titik na bugtóng at katutubò na siyáng pinakadiwà ng̃ ating wikà at siyáng katang̃ìán sa ibá. Bukód sa rito, ang g̃ ay siyáng angkóp na angkóp sa pagbigkás at tunóg ng̃ ating mg̃a pang̃ung̃usap. At kung ang titik na iyá’y ating papawiin at papaltán ng̃ ibá, marahil ang mg̃a salitâ natin ay magigíng garíl kung bigkasín. At tang̃ì pa rin dito, yamang isinaád ni Risál na: “ang sulat tagalog ay dapat magíng sulat tagalog,” kung gayón, upáng matupád ang dakilàng salitâng itó ng̃ magiting na bayani ay dapat gamitin natin ang g̃ na siyáng katutubò at siyáng diwà ng̃ wikà ni Balagtás.